sa iyong braso'y nakakapit
sa mga nilakbay mong oras, ako'y nakadikit
nagmistulang bakod sa iyong munting tahanan
umula't umaraw ako ang nakatayo't humaharangsa iyong kamay nakakapit
kinukubli at tinatago ang tinig
ugong na nagmumula sa bibig ng dibdib
yapusin mo may dimo madarama ang sakitsa dulo ng iyong daliri'y nakakapit
binibigyang diin ang iyong mga subalit
pagpapahalaga ko'y walang hiningi kahit anong kapalit
binasura mo't tinapunan pa ng tinikbinitiwan mo na ang aking kapit
bigkis ng dati'y nauwi sa pilit
ngayo'y bitbit ang naiwang pait
nakabitay ang damdaming wala ng himig
YOU ARE READING
A letter for your soul (Spoken Word poem english&tagalog)
Poetrya poem that has a heart and soul, different topic, with different emotions every piece of story has a deep meaning and emotional diversion (must read) thank you 💋💋