alam mo ba yung pakiramdam
na gigising ka ng umagang bitbit bitbit mo
ang di matimbang na matatamis mong mga ngiti
yung matutulog ka ng gabing
unan mo ang mga yakap at malabing nyang halik,
inilalakad mo ang mga paang
bago ang mga sapatos at wala pang dungis o galos,ang sarap diba?
sobrang sarap,
na ang mga pangarap nating detalyadong iginuguhit sa hang in
ang mga pangakong ibinibigkas paulit ulit ng malakas,
at nakakataba,
nakakataba ng puso ang mga ipinipinta mong pagmamahal,
pagmamahal na parang walang dulo,
walang katapusan.pero parang nagising lang ako sa isang panaginip
heto pa nga't puno ng mga muta ang mga mata ko,
mga mutang kahapo'y luhang kumakalat sa buo kong mukha,
sa buo kong katawan, sa buo kong pagkataonagising nalang ako bigla
nagising ako na ang mga pinanghahawakan kong mga pangarap at pangakong ni ayaw kong bitawan,
yung pilit Kong idinudukdok sa isip kong baka napagod ka lang,
napagod ka lang
na baka bukas, bukas makalawa, sa isang araw, o baka sakaling sa isang buwan ay andiyan kana naman,
babalik kana namanyung mga kahapon nating umaapaw sa pagmamahal,
ngayo'y umaapaw parin naman
umaapaw sa kalungkutanalam mo yung sakit?
yung sakit na hindi mo alam,
dahil ayaw mo naman talagang malaman,
dahil alam mong lalo ka lang masasaktanyung ipinipilit mong ngumiti na parang normal lang, na parang OK lang,
hinahagilap ko sa hangin ang mga pangarap
na Sana at dapat ay nandoon lang,
ngunit tinangay na pala,
tinangay na pala ng iba ang akin,
na dapat ay akin lang
YOU ARE READING
A letter for your soul (Spoken Word poem english&tagalog)
Poetrya poem that has a heart and soul, different topic, with different emotions every piece of story has a deep meaning and emotional diversion (must read) thank you 💋💋