Bitter ? :3

249 11 0
                                    

K's POV

Nasa dining table na kami at nagtataka pa rin ako kung bakit hindi nya ko kino kompronta tungkol sa past at kung sino yung kasama nya. At isa pa, simula kanina hindi nya ko tinitignan maliban nung pinakilala ako ni lolo. Ako lang ang laging nakatingin sa kanya. Hindi ko rin kasi matiis dahil sobra ko syang na Miss.

Magkatabi si Jose at yung Ivy at yung dalawang bata. Anak nya kaya yon? Ewan! At katabi ko naman si Lolo. hindi muna ako kumain at inasikaso ko si Lolo. Inihaw na isda at ginisang ampalaya ang pagkain nya. Pero natakam sya nung nakita nya yung lechon.

" K, gusto kong kumain ng lechon. "

" Naku! Lolo ... Bawal. "

" Kapiraso lang. "

" Pero... "

" Sige na! Please! "

Naawa naman ako at binigyan ko. Pero nakita ni Jose at sinita ako.

" Are you trying to kill my Lolo?! "

" Of course not. Gusto nya lang matikman eh. "

" Kahit na! Alam mo namang masama yan diba?! "

" I know na tolerable naman ito kung papakainin ko sya just to satisfy his taste buds! Sagot ko pag may nangyare sa kanya. "

Sumuko sya dahil sa pagmamatigas ko.

Pagkatapos namin kumain ay kinuha ko yung gamoy ni lolo sa kwarto at iniwan ko kay Janine si Lolo.

Pagbalik ko ...

" Janine, Balik mo na si Lolo sa kwarto. " - utos ni Jose

Pero pinainom ko muna sya ng gamot bago sila bumalik sa kwarto. Naiwan kami ni Jose sa kusina, pabalik na rin sana ako nang nagsalita sya ...

" Gano ka na katagal rito? "

" Months pa lang Jos .. Sir ! "

" I hope, aalagaan mo ang lolo ko at di mo sya papabayaan. "

"  Nagt trabaho po ako ng ayos! "

" Dapat lang! Mananagot ka pag may nangyare dyan! "

" May problema po ba kayo saken? "

" Eh ano namn kung meron?! "

" Para ho kasing ang bigat ng dugo nyo sakin eh. "

" Sa ginawa mo, dapat ka bang kagaanan ng loob! Wala na akong panahon sayo! "

 Galit na sabi nya at nag walk out. anong nagawa ko? Yung sa lechon? hindi naman siguro. Eh ano, nanunumbat kaya sya? Sabagay tama sya matapos ko syang taksan .. Pero teka kung yon yung kina gagalit nya ibig sabihin naaalala nya ko?

MISSINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon