The Past <3

403 16 0
                                    

K's POV

Im Karylle Tatlonghari. 24 years old. Isa akong nurse, at nagta trabaho ako kay Lolo Zalo bilang personal nurse nya. DayOff ko ngayon. At sakto, tinawagan ako ni Vhong-pinsan ko. Meron daw syang Announcement at magkita daw kami sa isang restaurant. Excited na kong makita sya dahil sa lahat ng pinsan kong lalaki sya ang pinaka Close ko. Matagal syang nalungkot nung namatay yung GirlFriend nya. Pero sabi nya ay naka move on na sya at gusto na nya maging masaya. Buti pa sya naka move on na. Eh ako, Im still missing someone. Minsan nga naiisip ko 'ano na kayang buhay ko kung di ko sya tinakbuhan? Siguro may anak na kami at hindi ako nurse ngayon.' Nineteen pa lang ako nng niligawan ako ni Jose at niyayang mag pakasal. Masyado pa akong bata nung mga panahong yun at gusto ko pa makatapos ng Nursing. Naka Focus ang isip ko dati sa kung anu anong bagay at wala sa plano ko ang early marriage. Kaya on the eve of our wedding ay tinakasan ko sya. Pumunta ako ng manila. Nag Trabaho ako dun sa Call center. Hindi muna ako umuwi ng laguna dahil halos itakwil ako ng magulang ko sa kahihiyang ginawa ko. Nag aral ulit ako.

After 2 years nakatapos ako. Tinry kong umuwi samen at ayun tinanggap na nila ako. Nagkaroon ako ng mga experience sa ilang private hospitals na pinasukan ko. Pero kinailanga kong mag Resign dahil nagkasakit tatay ko. Tb. Inalagaan ko sya. At after 6 months naka Recover sya. At sakto, may dumating na offer mula sa isang matandang retiree sa US yun nga si Lolo Zalo. Lahat ng kamag anak nya ay nasa America. Nakatira sya sa mansion nya dito sa pilipinas at mga katulong lang at si Janine(apo) ang kasama nya. May kasungitan pero Mabait si Lolo Zalo. Bugnutin lang dahilsa sakit na diabetes na sinamahan pa ng rayuma sa tuhod.

Enjoy rin naman ako sa trabaho ko kasi Close na kami ni Janine. 
Minsan gusto kong balikan yung mga desisyon ko na sobrang pinag sisihan ko. Kung nasan man si Jose ngayon eh siguradong masaya na sya. Akala nya siguro hindi ko sya minahal. Mahal ko naman sya eh, kinailangan ko lang talaga mamili noon kung sya o yung pag aaral ko. Wala na nga akong balita sa kanya eh. Kamusta na kaya sya? Kilala nya pa kaya ako? Sana mapatawad na nya ako sa ginawa ko. 

Oo nga pala, Jose ako ng Jose. Si Jose Marie Viceral. Isa syang engineer. At nagkakilala kami nung nadestino sya sa malapit sa pinapasukan kong kolehiyo. Niligawan nya ako. Lagi sya nagpapadala ng Flowers. Lagi nya ko hinahatid samen. Lagi nya rin akong kinakantahan. 22 sya noon. Matangkad. Pogi. Kumakanta. Sumasayaw rin. Matalino. At may Sense of Humor. Sinagot ko sya noon at minahal. Pero di ko lang talaga kinaya nung niyaya nya akong magpakasal. 

Nasan na kaya si Jose? Siguro may asawa na sya. by this time, 27 na sya at baka may anak na rin. Pero bakit di ko pa sya makalimutan?

Tama na nga ang Reminisce ..

MISSINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon