Revelations !

177 10 0
                                    

Jose's POV

( pinaka iintay nyong POV XD )

Pagkaakyat ni K sa kwarto ay pinatawag ko si Janine.

" Ayaw sumama ng mga bata kay Ivy. Sinasaktan na! Anong gagawin ko?! " - sabi ko kay Janine

" Wala syang karapatang gawin yon! "

" Ayoko syang patulan. "

" Ako ang haharap sa kanya! "

Tumakbo paakyat ng kwarto si Janine. Sinundan ko lang sya. Nadatnan naming umiiyak ang mga bata.

" Magsitigil kayo! Hindi ko kayo iiwan kahit anong mangyari! " - rinig naming sigaw ni Ivy

Nakita kami ng mga bata at mabilis na tumakbo samin.

" Ayaw po naming sumama sa kanya! Please po! Hwag nyo po kaming ibibigay sa kanya! " - sabi ng mga bata

" Iwan mo ang mga bata, Ivy .. " = mahinahong sabi ni Janine

" At bakit? Sino ka rin para pigilan ako sa mga gusto kong gawin sa mga batang yan!? " - matapang na sagot ni Ivy

" Wala kang karapatan sa kanila! " sigaw ni Janine

" Anong wala? Ako ang kinagisnang ina ng mga yan! "

" Pero hindi mo sila mga anak! At hwag karerin ang panggagamit sa kanila para magawa mo ang lahat ng gusto mo at paikutin kaming lahat dito!! "

" At bakit? Hindi mo ba alam ang relasyon namin ni Jose, ah? Magiging future cousin mo na ako kaya wag mo akong tuturuan when it comes to Jose!! "

" At ano ngayon ang gusto mong mangyare?! "

" Ayokong umalis dito! " - mayabang na sagot ni Ivy

Napatingin sakin si Janine. Hindi rin ako nakapag react! May alas sya, ang swerte nya! Hawak nya ako sa leeg dahil sa isang sikreto! Sikretong kaming tatlo lang ang nakakalam! Sa mata ni K, mag asawa kami ni Ivy at mga anak namin ang dalawang bata! Sa mata naman ni Lolo, asawa ni kuya Patrick si Ivy at pinasama lang sakin ni kuya ang magi ina nya para makilala ni Lolo. Pero hindi ito totoo. Hindi ko masabi kay Lolo na si Ivy ay tagapag alaga lang ng mga anak ni Kuya Patrick sa isang babaeng may asawa sa America. Dahil siguradong tatanggalan nya ng mana si Kuya! Hini rin naman matatanggap ni Lolo ang mga bata kapag nalaman nyang bunga ito ng pagkakamali! Sobrang mataas ang standards ni Lolo pagdating sa moralidad kaya galit na galit sya kay Ivy. Obvious na obvious naman kasi ang panga akit ni Ivy saken!

Hindi ko gusto si Ivy! Pinakikisamahan ko lang sya for the sake of the children at para na rin sa lihim namin nila Kuya! Sa ngayon ay kasal na si Kuya sa isang Pilipinang naka base rin sa america. Pero hindi nya masabi kay Lolo dahil una na nyang napakilala si Ivy bilang ina ng mga anak nya! Isa pang panakot ni Ivy para makahingi ng suporta kay Lolo ay paghihiwalay nila kuno ni Kuya! Hawak ni Ivy ang alas at siguradong magagalit si Lolo pag nalaman nyang pinagtulungan namin syang lokohin!

At kung bakit galit na galit si Lolo kay Ivy ay dahil sa garapal na panghu huthot. Nung nasa america pa sila ay lagi itong humihingi ng pera kay Lolo at nananakot na ilalayo ang mga bata pag hindi sya nabigyan ng pera. At kaya ako patuloy na nakikisama kay Ivy  ay dahil nananakot na ibubulgar nya raw ang sikreto namin!

Siguradong magagalit si Lolo kapag nalaman nya ang katotohanan! Yun ang iniiwasan ko kaya lahat ng gusto ni Ivy ay sinusunod ko!

Pero sumosobra na si Ivy! Gusto nya kaming paikutin lahat.Kaya tama lang na umalis na sya dito sa mansyon! At ang malaking PERO .... ay baka sabihin nya ang buong katotohanan kay Lolo na pwede nyang ikapahamak. Bawal kay Lolo ang magalit dahil baka atakihin. 

Hayyy! Sobrang naguguluhan ako. Pag nagpatuloy si Ivy dito ay magpapatuloy di ang pagpapa ikot nya samin. Pag pinaalis ko naman sya, Magsusumbong sya kay Lolo !! Naguguluhan ako >___<

Sa ngayon, PANALO na naman si Ivy !!

( Ayos ba ? Matagal kong oinag handaan yan ! Pasensya na kung ngayon lang ! Busy talag ! Guys, paki Spread naman ng story nato . Tas Paki VOTE na rin . COMMENT din kayo . Para Worth It . Loveyahall Guys ! :* )

MISSINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon