TTAF 002

133 2 2
                                    

Chapter 2

 

M I C H A L A

FIRST DAY

First day para sa 'WIN HIM BACK OPERATION'

Lord, please lang bigyan niyo po ako ng patience at tatandaan mo palagi Mich na ikaw ang may gusto ng lahat ng ito kaya kayanin mo.

Naglalakad ako sa may campus grounds ngayon ng makita ko si Ven kasama si Vincent. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Lumapit na ako, tutal naman first day to para sa operation eh.

"VEN! VINCENT!" sigaw ko.

"Ano ang kailangan mo?" cold na tanong ni Ven.

"Goodmorning Mich." nakangiting bati ni Vincent. Ang bait talaga nito -_-

"Pwedeng makisabay na?" ako yan.

Tinignan ni Vincent si Ven na parang nanghihingi ng permiso.

"Tsss, let her be." tapos nauna na siya sa paglalakad.

"Pasensya ka na Mich ha? Ewan ko ba dyan kay Gab eh." sabi ni Vincent tapos nginitian ako na parang nanghihingi ng tawad.

"Okay lang." nginitian ko rin siya.

Nang nasa tapat na kami ng pinto, nauna si Vincent tapos naiwan kami ni Ven. Papasok na sana ako ng inunahan ako ni Ven saka ako sinarhan ng pintuan. Nakatingin lang ako sa pintuan habang umaagos ang luha mula sa mga mata ko.

"Di ka ba papasok?" tanong ng isang boses mula sa likod ko.

Pinahidan ko muna ang mukha ko bago ko siya hinarap. Isang lalaki.

"Hello ^_^" nakangiti niyang bati. Ang kyut nito.

"Hi."

"Pasok tayo?" pag-aya niya saken. Binuksan niya na ang pinto na kanina ay nakasara saka ako pinauna sa pagpasok.

"S-salamat." nauutal kong sabi, napaos ako sa pag-iyak eh.

Umupo ako sa may likod, tumabi naman sakin yung cute na lalake kanina.

"Hello ulet. Ako nga pala si Gian Seuresta. Ikaw? ^_^" ang hilig niyang ngumiti-_- parang nang-iinsulto eh, so pinapalabas na masaya siya saka ako malungkot?

"Michala Grace Laranza. Mich nalang."

"Bakit ang pula ng mga mata mo,Mich?" tanong niya.

"Bakit nga pala ngayon lang kita nakita dito?" iniba ko ang topic, baka saan pa mapunta eh.

"Ahhh yun ba, baka di mo lang ako nakikita or wala talaga tayong subject nuon na magkaparehas."

"Ahhh ganun ba? Okay."

Humarap ako sa bintana. Si Ven? Kung dati dikit ng dikit saken, ngayon naman ang layo niya na. Nandun siya kasama ang mga sikat sa school tapos may nakapaligid na mga babae sa kanila. Hayyy.

Nagtataka ba kayo kung bakit wala akong kasamang bestfriend? Meron ako...nuon. Si Ven, siya lang ang bestfriend ko. Sabi niya kasi di ko na raw kailangan pa ng ibang tao kasi di niya naman ako iiwan at nandiyan siya palagi para saken.

Pero saan siya ngayon? Sa mga bago niyang kaibigan. So ngayon, ako ang talo. Wala akong kasamang umiyak. Walang magcocomfort saken. Ven-ven naman kasi eh >.

Dumating na ang prof namin at nagsimula na ang mahabang klase. Kung dati palagi akong nakikinig, ngayon hindi na. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

"Pssst Mich, may quiz daw tayo. Papel oh." sabi ni uhhh cno nga 'to? Ahhh, si Gian. Binigyan pa ako ng papel ha? Okay na rin yun, nakakatamad kumuha sa bag eh.

The Truth About ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon