TTAF 006

50 0 1
                                    

Chapter 6
MichaVen Moment

Ilang months na ba ang nakalipas? Hahaha, chos. Magtu-two months pa lang naman eh ^_^

Todo effort parin ako kahit wala naman atang epekto lahat ng ginagawa ko, pero oh well ginusto ko to eh kaya there's no turning back.

"Ouch!" napangiwi ako sa sakit. Ang abnormal ko kasing Kuya pinisil pa yung mga pasa ko sa braso eh alam na ngang masakit eh.

"Ayan ang napapala ng mga matitigas ang ulo,Michey." sobra pa to kay Mama eh. Si Mama pinagalitan lang ako ng isang gabi tapos okay na kami. Di niya ako matiis eh. Pero si Kuya Louie, mag-iisang linggo na simula nung natamo ko 'tong mga sugat na 'to eh palagi pa rin akong pinapagalitan.

"Ewan ko sa'yo Kuya. Ang tawag kasi dun pag-ibig eh."

"Pag-ibig din naman 'tong ginagawa namin para sa'yo Michey ah. Mahal ka namin kaya ka namin pinapagalitan sa mga ka-ewanan mo."

Napatigil naman ako sa sinabi ni Kuya. Pero binato ko lang siya ng unan. Haha nagda-drama rin kasi parehas ko.

"Alis muna ako, may bibilhin lang sa store." saka ako umalis ng higaan ko at nagsuot ng jacket.

"H-HOY MI---"

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay kahit na madali akong mapagod. Alam ko kasing hindi papayag si Kuya na umalis ako ng bahay, lalo pa ngayon na wala sina Mommy. Sa sobrang pagmamadali, nakalimutan kong magdala ng payong, umuulan pa naman. Mabuti nalang at may jacket akong dala.

Nang makarating ako sa mini store, nag-ikot ikot muna ako para maghanap ng bibilhin. Umalis lang naman ako kasi bored na ako sa bahay at grabe pa si Kuya kung magbantay kasi nasa kwarto ko lang siya buong araw. At di naman yun makakaalis ng bahay eh, wala kasing tao dun at day off ng mga maids. Bwahahaha.

Kanina pa nagri-ring yung phone ko pero in-off ko nalang kasi alam kong kukulitin lang ako ni Kuya para bumalik na dun.

"Mich? Ikaw ba yan, ija?" tumingin ako sa likod ko at...

O-M-G!

Yung mama ni Ven.

"Ikaw nga, anong ginagawa mo dito? Malakas ang ulan ah." sabi niya. Ang ganda talaga ni future mother-in-law. Haha, wag kayo. Close kami ^_^

"Hi tita, naghahanap lang po ng bibilhin. Kayo po?"

"Bumibili lang ng gamot, may sakit kasi si Gabby eh. Ang taas ng lagnat. At ikaw talaga, ang tigas ng ulo. Alam mo namang nagagalit yun si Gab kapag nalalaman na pinapabayaan mo ang kalusugan mo diba?"

"Di niyo pa po ba al--" naputol ang sasabihin ko ng nagsalita ulit si tita.

"Alam ko, palagi ngang... ah wala wala." naguluhan naman ako dun kasi di na pinagpatuloy ni tita yung dapat niyang sabihin. "Ah Mich, ija. Pwede bang humingi ng pabor?"

"Okay po, kahit ano."

"Pwede bang ikaw muna ang mag-alaga kay Gab? Alam mo namang nagagalit yun sa lahat kapag may sakit eh at ikaw lang naman ang nagpapakalma sa kanya."

"Sige po, basta si Ven." masaya kong sabi. Go lang ng go ako kapag si Ven ang pinag-uusapan.

Nakarating na kami sa Garcia Residence. Hinatid lang ako ni tita kasi may meeting pa daw siya na dapat puntahan. Pumasok nalang ako sa kanilang bahay kasi kilala naman na ako dito eh.

"Hi manang Lelay." bati ko sa isang maid na kilala ko.

"Oh Michala, bakit ngayon ka nalang ulit nakapunta dito? Namiss namin ang kakulitan mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Truth About ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon