TTAF 004

108 0 0
                                    

Chapter 4

M I C H A L A

Hay. Nakakapagod. Physically and emotionally, I'm tired already T_T Kailan kaya ako makakapagpahinga? Aish >_

"Mich, eto pa oh. Pakidala sa may gym please." utos ni Vincent sakin.

Wondering what we're doing?

Nagpeprepare kami para sa Founder's Day ng school. At ako ay na-assign na tumulong. Si Vincent ang aming leader, tapos si Ven naman ang partner ko sa mga gawain. Eto talagang si Vincent may pinaplano.

Second batch palang 'to ng mga dapat na dadalhin namin sa gym pero pagod na talaga ako. Papagalitan ako ni Mama neto eh, bawal ako sa mga ganito. Pinagbabawal na ito since bata pa ako eh. Pero okay lang naman kahit pagod na pagod na ako, ang importante makasama ko si Ven kahit sa maikling panahon lang.

"Don't act as if you're tired already. Mas marami akong dala kesa sa'yo." sabi ni Ven sa unahan ko.

"What are you talking about? Ang lakas ko pa nga eh." sabi ko saka siya inunahan sa pagpunta sa gym.

Malapit na kami sa gym ng may biglang sumigaw.

"MICHALA GRACE!"


Biglang nanlamig ang buong katawan ko kahit na nakabilad ako sa ilalim ng araw. Dahan dahan akong lumingon at duon ko nakita si Kuya Louie na galit na galit na papalapit samin.

"What the hell are you doing?" madiing tanong ni Kuya saka kinuha ang mga dala at pinayungan ako.

"K-kuya. Kaya k-ko naman eh." nauutal kong sabi habang pilit na inaagaw ang mga dala ko.

"Nakalimutan mo na bang may hika ka? Bawal kang mapagod Michey." mahina niyang sabi, ngayon ay parang kumalma na siya.

"Why are you being so hysterical?" singit ni Ven.

Uh-oh.

"She's none of your business anymore, Garcia." sagot naman ni Kuya bago ako hinigit paalis.

~*~

"Kuya naman may ginagawa pa kami dun." reklamo ko.

Pano ba naman kasi dinala niya na ko dito sa bahay, tanghali pa lang naman.

"Bawal ka ngang mapagod!"

"Pero Kuya..." umiiyak na ako. "Baka 'yon nalang ang paraan para magkausap kami ni Ven."

"Michey princess, alam kong mahal mo siya pero sana alalahanin mo rin ang sarili mo. Mahal ka namin. Matuto ka namang mapagod at sumuko."

"Alam ko 'yan Kuya. Mahal na mahal ko siya eh."

"Nakakain ka na ba?" tanong ni Manang.

"Hindi pa po." sagot ko naman.

"Kita mo na! Hindi ka pa nga kumakain eh." nagiging hysterical na naman si Kuya.

"Di pa naman ako gutom eh." sabi ko habang kinakamot ang ulo.

"It doesn't matter, kailangan mong kumain sa tamang oras palagi."

Kumain na ako ng lunch kasi baka mamaya mag-hysterical na naman si Kuya at isumbong na ako kina Mama. Mas grabe kasi kung mag-hysterical si Mama eh, simpleng hika lang baka ipasugod pa ako sa hospital.

Papunta na kami ng school, kasama ko na ngayon si Kuya. Since estudyante rin naman siya dito. Sabi niya siya nalang daw ang gagawa ng mga gawain ko para di ako mapagod.

The Truth About ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon