Access Denied • 057

439 15 0
                                    

Nakarating na siya sa deck ng barko ngunit wala siyang Jeanie na naabutan. Tanging katahimikan at malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya. Where the hell is she? Was she chasing a wrong person?

"Are you looking for me?"

Nagulat siya nang makarinig ng boses. Nakita niya si Jeanie na nakatayo sa pinakamataas na bahagi ng deck. She was smiling like crazy as she lit her cigarette. Nang masindihan ang sigarilyo ay bigla niya itong itinapon sa direksyon ni Freda. Gumawa ito ng maliit na pagsabog na ikinatilapon niya. Napangiwi siya nang tumama ang likod niya sa matigas na bahagi ng barko.

"Shit!"

Nakita niya naglakad palapit si Jeanie sa kanya. Hinila nito ang sariling gown at bumungad sa kanya ang suot nitong itim na suit. Hapit iyon sa katawan niya at may mga pocket at holster sa hita at bewang. She had a gun and two knives. She was really prepared.

Nanakit pa ang katawan niya dahil sa malakas na pagtilapon. May maliliit din siyang sugat sanhi ng pagsabog kaya hirap pa siyang makatayo. Tuluyan nang nakalapit si Jeanie sa direksyon niya at itinutok ang baril sa sentido niya. Lumuhod ito sa harap niya upang magkapareho ang lebel ng mukha nila. Napapikit siya nang padaanin nito ang baril sa pisngi niya.

"Stop it," banta niya at tinapunan ito ng matalim na tingin. Ngunit tinawanan lang siya ng babae.

"I said stop it!" sigaw niya.

"Why would I?" natatawang tanong nito.

"Because I can fast track your death!" aniya at binigyan ito ng head butt na ikinasanhi ng pagdurugo ng ilong nito. Sinuntok niya ang braso nito na naging sanhi ng pagtilapon ng baril nito.

She immediately made an action. Hinila niya ang mahaba nitong buhok at pinaulanan ng suntok ang mukha nito. Agad namang nasira ang maskara nito at bumungad sa kanya ang mukha nito. Akala niya ay magiging madali ang lahat ngunit nagulat siya ng sipain nito ang tiyan niya na ikinabagsak niya.

Agad na tumayo si Jeanie at inundayan ang tadyak ang tiyan niya. Napapasigaw siya sa tuwing tumatama ang takong nito sa tiyan niya. Tuluyan na rin siyang napasuka ng dugo.

Muli itong bumuwelo para sa isa pang tadyak ngunit agad siyang gumulong palayo. Sinipa rin niya ang tiyan nito ngunit bago iyon ay pinindot niya muna ang maliit na buton sa bewang niya. Lumabas ang blade sa heels niya na ikinasugat ni Jeanie. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat.

Tumayo siya at sunod-sunod na suntok ang binitawan niya sa mukha nito. Puno na ng dugo at sugat ang mukha nito ngunit wala siyang balak na tumigil.

Nagulat siya nang makitang naglabas ito ng maliit na kutsilyo at agad na isinaksak sa tiyan niya. Ngunit hindi pa ito nakuntento. Tatlong malalalim na saksak pa ang ibinigay nito.

Bago pa siya tuluyang mamatay ay kinuha na niya ang baril sa kanyang binti at itinutok sa sentido nito.

"Go on. Kill me!" sigaw nito.

Pinahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi at dumura upang maalis ang mga dugo sa kanyang bibig.

"Kill me!" muli nitong sigaw at binigyan ng saksak ang binti niya. Napasigaw siya sa sobrang hapdi. Hinigpitan niya ang hawak sa baril at mariin itong idiniin sa sentido ng babae.

"My pleasure."

"Don't kill her!" Mula sa pinto ay biglang lumabas ang isang lalake. Pamilyar ang bulto ng katawan nito ngunit hindi niya mahinuha kung sa'n niya ito nakita.

"Don't kill her or else they will kill you," mahinahon nitong sambit at dahan-dahang naglakad palapit sa kanila.

Access Denied • 058

"Stop!" sigaw niya at itinutok ang baril sa kararating lang na lalake. Ngunit tila balewala lang ito sa kanya. Patuloy lang itong naglalakad sa direksyon nila.

"Stop or I'll shoot you!" banta niya.

"Freda, let's get out of here. Don't kill her because BULLET will kill you."

"How do you know me and that fucking BULLET?" sigaw niya at mas lalo pang itinutok ang baril sa mukha nito. Nakasuot din ito ng tuxedo at maskara kaya hindi niya ito makilala. Tanging ang pamilyar nitong mata, labi at ilong ang nakikita niya. Now, she was so sure she have seen him before.

"I'm SlaughterKing and I'm here to help you."

Bumaba ang baril niya at nanghihinang tinapunan ng tingin si Jeanie na tahimik lang na nakikinig sa usapan nila. Sa sobrang inis ay hinampas niya ang mukha nito gamit ang baril. Agad naman itong tinakasan ng malay.

"W-why did you do that?" gulat na tanong ng lalake.

"Because she caused me all this," aniya at itinuro ang duguang katawan.

"Let's get out of here. We need to talk a lot of things." Pagkasabi niyon ay nauna na siyang naglakad palayo. She trusted him again and as long as SlaughterKing was concerned, she would trust no one but him.

Access DeniedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon