Chapter 1

31 3 0
                                    

10 years later...

MAMAAAAAAAAAA!

Napabalikwas nalang ako ng bangon, dahil sa sobrang pawis at kabang nararamdaman, ito na naman, napapanaginipan ko na naman ang mga eksena bago mawala si mama, lagi ko nalang iyan napapanaginipan tuwing gabi, di ko alam kung bakit ganoon iyon, tiningnan ko ang orasan sa may lamesa sa gilid ng kama ko, at nakita kong 4:30 palang nang umaga.

Lagi nalang akong ganitong oras nagigising, bumangon ako at pumunta sa cr ng kwarto ko, binuksan ko ang ilaw at nag hilamos, pag katapos ay tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, nagulat ako sa nakita ko, bakit ganito ito!

"Anong nangyayari sakin? Bakit ganito to?"

Sabi ko sa sarili ko, hindi ako maka paniwala, gusto kong sumigaw sa kaba at takot na nararamdaman, kaso baka marinig ako ng mga tao dito at ako'y pag bubuntungan na naman ng galit. Lumabas ako ng cr, at nag bihis ng pwedeng masusuot, nag suot ako ng jogger pants at simpleng jacket na may hood.

Lumabas ako ng aking silid at bumaba sa sala patungo sa pintuan, tulog pa ang mga tao kaya kailangan kong mag ingat, nang maka labas na ako ng gate tumakbo ako sa may pinakamalapit na drugstore, nang may nakita akong drugstore pumasok ako roon at hinanap ang kailangan ko, nang makita ko na iyon, kinuha ko ang dalawang maliit na magkadikit na bilog, na may naka ukit na color black at dinala sa counter saka binayaran, naka yuko lang ako sa cashier, dahil ayokong makita niya ang sitwasyon ko.

"Excuse me, okay ka lang po ba?" Tanong sakin ng cashier, tila ba nag tataka siya kung bat ako naka yuko at di mawaring makatingin sa kaniya.

"Okay lang ako."

Sagot kong naka yuko parin sabay kuha ng binili ko, at lumabas na sa store at tumakbo na pauwi, mahirap na baka ma abutan pa ako ni Aunty na wala sa bahay, baka kung ano na naman sasabihin nun sakin, nang nasa harap nako ng gate, nakaramdam ako ng isang presensiya sa likod ko, kaya lumingon ako, pero wala akong nakita, hmm weird, pag ka pasok ko, bumungad sakin ang Aunty kong bagong gising lang, nako patay na.

"At saan ka naman galing bata ka?" Pagtataray ni Aunty, sabay pamewang ng kamay.

"Nag pa hangin lang po sa labas Aunty." Sagot ko naman ng naka yuko, alam kong hindi mabenta ang rason ko pero sana naman maka lusot ako, lumapit siya sakin sabay pingot sa tenga ko at kurot sa tagiliran ko, dahilan ng pag impit ko dahil sa sakit,

" SIGURO HINDI KA UMUWI KAGABI ANO? OH TUMATAKAS KA? WALA KA TALAGANG UTANG NA LOOB PAG KATAPOS KA NAMING KUPKUPIN, PAG KATAPOS KA NAMING ITURING NA PARANG PAMILYA ITO ANG ISUSUKLI MO! NAPAKA TIGAS NG ULO MO, HINDI KANA TUMINO!" Sigaw niya sakin, kahit gustong gusto ko nang sumagot, hindi ko magawa dahil tinuruan ako ng mama ko kung pano gumalang sa mas nakakatanda sakin at kung pano rumispeto, kaya nakaka pag tiis pa ako.

"Hindi po Aunty. Pasensiya na po." Sagot ko lang ng naka yuko padin, sabay akyat sa hagdan patungong silid ko, ngunit nakita ko si Andrea, ang bunsong anak ng kumupkop sakin at bunso sa tatlong mag kakapatid, siya lang ang tanging tao sa pamilyang ito ang may natitira pang puso para tratuhin akong tunay na pamilya at siya lang din ang kaisa isang taong napa mahal sakin at napa lapit, lumapit siya sakin at niyakap ako.

"sorry kay mommy ha? Bagong gising kasi kaya ganiyan."

Paumanhin ni Andrea, she is the sweetest and kindest girl Ive ever met, 11 years old lang siya pero mas mature pa siya mag isip kesa sa mga ate niyang walang modo, hindi ko mawaring tumingin ng deretso sa kaniya dahil sa sitwasyon ko kaya nanatili akong naka yuko.

"Okay lang Andrea, ano kaba, sanay na din naman ako kay Aunty, cge papasok na ako sa kwarto." 

Iniwan ko na siya sa labas at saka pumasok sa kwarto ko, nilagay ko agad ang binili ko sa study table at saka dumiretso sa cr para maligo.

Land Of Lapideum (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon