Chapter 4

18 2 0
                                    


Nag lakad lang kami ni Varus pauwi, ewan kung bakit gustong gusto ko talaga mag lakad kahit nakaka pagod, its fun actually.

Nang nasa subdivision na kami, dun na kami nag pa alam sa isa't isa, sa kabilang subdivision pa kasi ang bahay nila Varus eh.

"Bye, Varus! Thank you uli!"

Pag pa alam ko saka pasalamat na rin. Nginitian niya lang ako saka siya nag wave.

"Bye Ian, Happy Birthday."

Huling bati niya sakin, saka tumalikod na at nag lakad pa alis, hayyst, as always si Varus lang talaga at si Mama ang bumabati sakin tuwing birthday ko, sanay na din naman ako eh. At ako lang din at ang isang misteryosong tao ang bumibisita kay mama. Im still wondering kung sino talaga yun, lagi nalang kasing nag iiwan ng blue roses tiyaka isang note na naka lagay ang letrang I.R.

Ano kayang ibig sabihin ng I.R? Ayokong ma istress ang utak ko kaya ipinagliban ko muna iyon, dahil kinakabahan na akong umuwi kasi malalim na ang gabi at tiyak akong pagagalitan na naman ako ni Aunty.

Binilisan ko ang pag lakad, muntik na akong sumigaw ng biglang sumulpot sa gilid ko ang pusang itim.

"Ikaw na naman?! Sinasabi ko sayo pusang itim, pag ako minalas na naman, naku lagot ka talaga sakin! Gagawin talaga kitang palaman ng Siopao, Umalis kana nga, sshoo! Shooo!."

Pag taboy ko sa pusang itim, na aawa man ako ay itinaboy ko padin ito dahil hanggang may pusang itim may panganib. Haystt bala na nga, mas binilisan ko pa ang pag lakad ko hanggang sa maka dating na ako sa tapat ng pintuan ng tinitirahan ko. Shocks! Ito na bubuksan ko na. Hinawakan ko ang doorknob at ipinihit ito upang buksan.

At pag bukas ko, bumungad sakin ang Aunty kong nan lilisik ang mga mata, patay! Ito na nga bang sinasabi kong panganib eh. Lumapit sakin si Aunty saka ako sinampal ng pag ka lakas lakas dahilan ng pag ka tumba ko.

"Mommy!" 

Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Andrea, no Andrea wag kang ma awa sakin, kaya ko ang sarili ko, tumayo ako upang harapin si Aunty.

"NAG SUMBONG SAKIN SI ALICE NA HINDI KA PUMASOK NGAYONG ARAW! SAAN KA NA MAN GALING BATA KA HA? TAPOS MAY KASAMA KA PANG LALAKI! SINO IYON HA? ITO BA ANG GANTI MO SAMIN AIANA? MAS INUNA MO PANG LUMANDI KESA SA MAG ARAL! WALA KANG RESPETO SAMIN!"

Malakas niyang sigaw sakin, sabay sabunot ng buhok ko, saka ako itinulak sa sahig, masakit, sobrang sakit ng pag kakasampal at pag kaka sabunot ni Aunty sakin. Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng luha ko, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa galit, dahil sa punong-puno na ako sa mag inang ito. Alice? Eh kung ibunyag ko kaya yang baho mo.

Hindi ko na kayang mag timpi pa. Tumayo ako saka ko sila hinarap isa-isa, nag sidatingan na kasi silang lahat, si Alice at Anna ang nakakatandang kapatid ni Andrea na naka ngising naka tingin sakin ganun din si Uncle at si Andrea na mangiyak ngiyak na dahil sa nakikita.

"MA WALANG GANA PO, OO HINDI AKO PUMASOK AT MAY KASAMA AKONG LALAKI, DAHIL PINUNTAHAN KO SI MAMA SA PUNTOD NIYA DAHIL DEATH ANNIVERSARY NIYA! AT HINDI AKO LUMALANDI, EH KUNG TANUNGIN NIYO KAYA YANG MGA ANAK NIYONG MAGAGALING KUNG SINO TALAGA ANG MALANDI, DIBA ALICE? BAT DI MO KAYA SABIHIN SA MGA MAGULANG MO ANG TOTOO! NA KAYA LANG MA TATAAS ANG MGA GRADO MO DAHIL SA PAG BENTA NG KATAWAN MO SA MGA GURONG LALAKI!"

Sigaw ko. Nagulat sila sa mga pinag sasabi ko. Maging si Alice ay namutla. Biglang nanlisik ang mga mata niya habang naka tingin sakin.

"HINDI TOTOO IYAN!"

Pag tatanggol ni Alice sa sarili niya. Si Anna naman nagulat din, isa rin tong babaeng to eh may tinatago ding baho.

"ANONG PINAG SASABI MO AIANA? HINDI GANOON SI ALICE!"

Land Of Lapideum (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon