4. MARAMI

21 3 0
                                    

Wala lang
Sagot ko sa mga taong nagtatanong lang
Mga taong wala naman talagang pakialam
Mga taong hindi naman talaga gustong makialam.

Wala lang
Minsa'y nagtutunog nang walang galang
Pero sa katunaya'y wala na akong maisagot lang
Sa mga tanong nilang paulit ulit nalang

Wala lang
Nakakapagod rin palang isalang
Kung di rin naman nila talaga gustong malaman ang sagot sa katanungan
Na sa katunaya'y "Marami" ang tunay na kasagutan.

♠️♥️♣️♦️♠️♥️♣️♦️
March 11, 2018 Sunday

Mga Tula Mula Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon