28. KAKAIBA

4 0 0
                                    

Hindi ko inakalang ganito pala
Hindi naman kasi naranasan ang ganitong klase ng saya
Kaya halos hindi ko kayang masanay ng sobra
Sa ganitong klase ng atensyon at aruga.

Hindi ko naman alam na ganito dapat
Ang pakikitungo sa itinuturing na nararapat
Na kung ang pula ay tama at sapat
Hindi dapat luha ang katapat.

Hindi ko naman inasahan
Pero sa madilim na silid ay naranasan
Ang alat at tamis ng lasong may kamahalan
Ang alat at tamis na alam kong aking babalikan at mahihirapan iwanan.

Hindi ito ang dapat na kasanayan
Alam kong mahal ang aking pagbabayaran
Pero masisisi ba ang kalayawan
Kung hindi ko ito nahanap sa ibang kinagiliwan?

Mga Tula Mula Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon