Chapter 2

5 0 0
                                        

Start na ng klase at sa skwelahan ako ni Kuya magsisimulang pumasok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Start na ng klase at sa skwelahan ako ni Kuya magsisimulang pumasok. Kagaya sa pinapasukan kong school sa France, mag uniform din sila dito yun nga lang walang coat which is understandable din naman kasi sobrang init naman dito sa Pilipinas buti na nga lang aircon ang lahat ng classroom dito kung hindi nako madaming magkakaheat stroke!


Inaya pa ako ni Kuya na sumabay sa kanila pero hindi ako pumayag, allergic ako sa mga lovers ngayon! Pero joke lang! Hahaha dala-dala ang schedule ko hinahanap ko ang building para sa fashion designing. Saan ba kasi yun banda? Shitzu naman eh! Habang naglalakad ako sa campus panay naman ang tingin ng mga studyanteng nadadaanan ko. May problema ba sa itsura or sa suot ko? Masyado bang maiksi ang skirt ko? Parang di naman meron nga akong nakita kanina na above the knee yung skirt niya di naman sinita.



Ano ba yan! Diko alam kung saan ang building ni Kuya, Engineering kasi ang kinuha niya! Liliko nalang sana ako ng makita ko si Rayze na paakyat sa hagdan! Ayun! Gotcha!!! Tumakbo agad ako patungo sa kanya, buti nalang naka flats ako!!!


"Rayze! Wait up!".paakyat na ako pero di padin siya lumilingon! Ughh kainis naman eh!! Kita ko naman ang tao sa hallway na nakatingin kay Rayze at saakin, ehh alam ko naman kung bakit silang lahat nakatingin kay Rayze, sikat to eh. "RAYRAY!".



Bigla naman siyang tumigil kaya nagmadali agad akong pumunta sa kanya, sakto namang palapit na ako ng lumingon siya. "What the f---, Tammy? What do you want?".inis na tanong niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya at nag peace sign.


'Rayray daw? Ang cute!!'

'Kaya nga! Sino kaya yang babae na yan? Parang close sila ah?'

'Kailangan ko tong ma-update sa twitter ko malaking scoop to ng SJ!'




Mas lalo namang dumilin ang tingin ni Rayze ng marinig niya ang bulong-bulungan ng kaklase namin. Yan kasi kung lumingon ka lang agad...


"Ah-ano kasi, diko alam san ang building nato?".pinakita ko naman ang schedule ko sa kanya, tiningnan naman niya yun sandali pero naglakad din siya palayo. "Ray naman ehhhh!!!".


Lumingon naman siya ulit at nakita ko ang galit sa mukha niya. "Ano ba Tammy? Diko alam kung tanga o bobo ka pero ito ang building na yan! Tingnan mo nga oh".bigla naman niyang tinuro ang taas ng pinto at nakita ko ang FD203. Oh? FD means Fashion Design? Sorry naman!



"Ehh, sorry naman! Malay ko ba! Bakit kaba kasi andito? Ito din ba ang course mo?".tanong ko sa kanya pero umiwas lang siya ng tingin. Bigla naman siyang napaayos ng tayo na parang may multo siyang nakita kaya napatingin ako sa tinitingnan niya, who is she?


Obviously same kami ng uniform kasi dito din siya nag-aaral pero isang tingin mo pa lang sa kanya...sa ayos niya, uhm, she's a bit slutty...

"Rayze—"

Another Time With YouWhere stories live. Discover now