Chapter 3

7 1 0
                                        


It's saturday kaya pupunta ako sa bahay ng mga Lee ngayon, isa lang ang village namin pero di kami pareho ng kanto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's saturday kaya pupunta ako sa bahay ng mga Lee ngayon, isa lang ang village namin pero di kami pareho ng kanto. Mga tatlong kanto pa bago ang bahay nila Rayze.


"Kuya, punta lang ako kina Ray ha".kiniss ko agad si Kuya na nasa sala. Bigla naman siyang ngumisi na parang timang.



"Anong gagawin niyo dun? Ikaw Tammy ha!".kumunot naman ang noo ko habang siya inaasar-asar ako. Ehhh??



"May pag-uusapan lang kami, Kuya!".umiling nalang ako sabay alis. Napag-usapan kasi namin na mag-uusap kami tungkol sa engagement na sinasabi ng magulang namin. Hindi naman kasi ganon kadali yun kahit sabihin pa naming magkakilala na kami simula pa bata. Marriage is not that easy, pareho lang kayong magkakasakitan if the feelings is not mutual.

Pagkadating ko naman sa bahay nila ang tahimik! Pero bukas ang main door nila. Nagdoorbell naman ako saka ako pinagbuksan ni Yaya Nining!




"Yaya!!!".nagulat pa si Yaya ng makita ako, antagal naming di nagkita! Sabi ko naman diba 2nd year HS ako ng simulang umalis ako papuntang France. Kahit umuuwi ako dito every summer eh iba padin pag araw-araw kayong nagkikita.



"Tamara? Tamara ikaw na ba yan? Gumanda ka ha!!".niyakap naman ako ni yaya ng mahigpit. Minsan kasi pumupunta kami dito para maglaro or pag may pag-uusapan ang parents namin. "Pasok ka, nasa kwarto pa si Rayze natutulog".



Ngumiti naman ako saka tumango. Wala pading pinagkaiba ang bahay nila, same padin ang ayos ng mga furniture pero halata mong may bago. Umakyat agad ako sa taas para puntahan ang kwarto ni Rayze. Pagbukas ko palang ramdam ko na ang lamig ng kwarto niya sheeez!



Nakita ko naman si Rayze na nakahiga sa kama niya na nakadapa. Pareho padin ang ayos ng kwarto niya nung huli kong punta dito. Meron padin siyang collection ng mga sasakyan, may gitara din sa gilid. Napatingin naman ako sa long table niya at nakita yung iba't-ibang picture kasama ang family niya at ang picture naming dalawa nung bata pa. I think nasa elementary pa kami neto. Ang cute! Magkaakbay pa kami neto at ang dungis namin pareho, di ko na maalala ang nanguari dito pero for sure kalokohan ang ginawa namin. Pero bakit naman ito? I mean may pictures naman kami nung huli kong dalaw ah? Dadalhan ko nalang siya pag bumalik ako dito.

Tapos na ang sight seeing ko sa kwarto niya kaya kinuha ko agad ang unan niya saka yun hinampas sa kanya. I'm sure mag-aaway kami neto but who cares, ganyan kaming magtratuhan. "Rayray! Gising!!!".


Narinig ko namang napagroan siya saka umangat konti ang unan niya kaya inion ko ang ilaw at hinapas ulit siya ng unan.



"Wtf, Tammy! Umalis ka dito!".di pa niya ako tinitingnan , alam na niya na ako ito. Ako lang naman ang tumatawag sa kanya ng Rayray. It's been a long time din simula ng tawagin niya akong Tammy, good old days. At ako lang din naman nag-iisang mangahas na gumising sa kanya. Rayze is stubborn, ayaw niyang ginigising siya ng kung sino kahit si yaya at magulang niya, ayaw niyang may nangingialam ng gamit niya, ang arte niya! Mas maarte pa yan sakin eh! Pero dahil ako ang maganda at hindi sumusunod sa kanya na kaibigan...aba syempre ako lang ang nakakagawa niyan. He's really different sometimes in front and off cam. Naiitindihan ko din naman I mean you need to look good in front of camera and minsan napakababoy kasi neto, isa din sa pinasasalamat ko sa grupo niya ngayon eh sobrang magkasundo silang lahat. Parang mga baliw.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Another Time With YouWhere stories live. Discover now