Chapter 33: joanna's plans

20 0 0
                                        


Shaira P0V

Nagising ako nasa kwarto na ako, paano ako napunta dito? ang alam ko magkasama lang kami ni sj sa park, inalala ko lahat nung nangyari kagabi.

Nang makita ko yung gift niya saakin ay sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya at tumingin kami pareho sa langit.

Toink!!!

My god nakatulog pala ako kagabi habang nakasandal yung ulo ko sa balikat niya, tumayo ako at may nakita akong sulat sa side table.

Kinuha ko yun at binasa.

'Good morning sleepy head tinulugan mo na naman ako, hanggang kaylan mo ba ako tutulugan pag magkasama tayo, buti nalang nandun ako kung wala baka natulog ka na doon hahaha.... ☺☺' napangiti ako sa nabasa ko.

"Grabi siya stress at pagod lang naman ito hah" bulong ko, kinuha ko yung phone ko may nakaipit pa.

'Oo na sige na, alam ko magre- react ka, kaya tumayo ka na dyan maligo ka na☺☺' sj talaga, tumayo na ako at dumeretso sa cr.

Pagkababa ko naabutan ko sila sharlene sa dining kasama si rea.

"Good morning ate" bati ni rea,

"Morning" bati ko rin, umupo na ako sa gitna.

"Kanina ka pa?" tanung ko kay rea,

"Opo sinundo ko na si sharlene para sabay na po kami pumasok" sagot niya.

Umupo na ako, kumakain na din sila, habang kumakain kami ay may nagdoorbell.

"Hi shai" bati ni lyn, kahit busy ako kumain kilala ko parin boses nila.

"Ano ginagawa niyo dito?" tanung ko.

"Makikikain" sabi ni kim at nagpakuha ng plato.

"Pagkain na naman, gusto ka lang namin makasabay masama ba iyon" sabi ni lyn.

"Nasaan yung boys?" tanung ko, himala sila lang dalawa, nagkatinginan sila.

Ayun.... alam ko na bakit nandito sila...

"Nauna na sila kaya... pinuntahan ka na namin" palusot ni lyn, sus... lumusot na yan...

"Sure" sabi ko, tas tinignan ko sila ng tinging hindi naniniwala, hindi sila umimik.

Nakatingin lang ako sa kanila, hangga't mamaya may magsasalita dyan.

"Kasi naman yung dalawa na iyon, umakyat pa talaga sila sa bar kagabi" inis na sabi ni lyn.

Bestfriends turned loversStories to obsess over. Discover now