[ AFTER 1 YEAR ]
Lyn P0V
Mag iisang taon na simula ng umalis si jerone, at si shaira naman ayun, sabi niya ayos lang naman daw siya, pero deep inside alam namin na hindi pa talaga.
Kasi minsan napapansin namin na malungkot siya, pero pag nakita niya kami pinipilit niyang ngumiti.
"Shai tara lunch na tayo" sabi ko sa kanya, katabi ko siya ngayon, tumango lang siya at tumayo na kami.
Naalala ko nung first day of school, akala ko pag nakita namin si shaira is down na down siya but hindi pala, kasi mas lalo pa siyang gumanda at bumalik na yung dating shaira na kaybigan namin.
Kaya happy kami, kasi kahit na maraming nangyari, pinapakita niya parin na matapang siya.
Kay joanna naman, tahimik naman siya, hindi na rin naman namin pinapansin.
"Guiz malapit na yung vacation saan tayo?" sabi ni kim.
"Ui guiz bago niyo isipin yan, yung group project muna" sagot ni shaira,
"Shai naman madali lang yan, next week moving up na, kaya kaylangan nanatin pag usapan yun no" sabi ni kim.
"0o nga naman shai, ano saan?" pag sang- ayon ko.
"Alam niyo, ayusin na muna natin yung project, sige ako na bahala sa ticket natin may alam na ako" biglang sabi ni shaira, napatingin kami sa kanya.
"Ano sasama ba kayo?" tanung niya.
"Saan ba yan?" tanong ni kim.
"Sa canada" sabi niya, nagkatinginan kaming apat.
"Ano sama ba kayo?" tanung niya ulet, napasigaw kaming dalawa ni kim, wala kaming paki sa mga tao dito.
"0o naman no.." mabilis na sabi ko.
"Bilisan niyo na yan at para natapos na natin yung project para next week maayos na natin yung mga passport" sabi niya sabay umalis, tumayo narin kami at sinundan na namin siya, tapos naman na rin kami.
Shaira P0V
Nandito na ako sa kwarto, yung sinabi kong isasama ko sila sa canada totoo yun sinabi ko narin kila mommy at okay lang daw.
Sa totoo lang nalulungkot parin ako pag hindi ko sila kasama, umiiyak parin ako tuwing naaalala ko si sj.
Pero pinipilit kong magpakatatag dahil alam ko na nandyan pa naman sila para sakin, at hindi nila ako iniwan.
Kinuha ko yung jacket, alam ko na kay sj ito, at alam ko rin na nandoon siya nung gabi na iyon, masaya ako dahil kahit alam ko na galit siya saakin, na ako yung sinisisi niya, nandoon parin siya at naramdaman ko na may paki-alam parin siya sa akin.
********************************
"Yesss malapit na natin matapos" masayang sabi ni kim.
Nandito kasi kami sa bahay ginagawa nanamin yung group project saturday naman ngayon..
"Alam mo shai sabi ni ate ella mas mahirap daw ang senior high" sabi ni lyn.
"Ano ka ba lyn, may hihirap ba dyan kay shaira" sabi ni kim, tumango naman si lyn.
"Kayo talaga, tara lunch muna tayo" sabi ko nandito nga rin pala si rea, lagi na nga sila magkasama ni sharlene.
Tumayo na kami at pumunta sa dining.
"Excited na ako sa canada" masayang sabi ni kim.
"Marami ba tayong pupuntahan doon? tanung niya ulet.
"Oo naman no, pwede bang hindi" sabi ko.
"Ikaw rea ayos na ba yung paper mo?" tanung ko.
"Malapit na ate, tinutulungan ko siya" sagot ni sharlene.
"Excited na nga rin daw siya e" dugtong niya pa.
Sasama din kasi si rea sa canada, pinagpaalam na daw siya ni sharlene sa mga parents niya.
"Ano ba yan ang dami naman project na ito, diba magbabakasyon na?" reklamo ni kim, kanina pa nga reklamo ng reklamo yan e,
Nandito kami ngayon sa sc room naggagawa kami ng project, ang dami nga naman kasi, last time lang gumawa na kami, ngayon meron nanaman.
"Ganun talaga no, next month senior high na tayo, ang sabi nila mas marami pa daw project yun e" sagot naman ni lyn.
"Alam niyo relax lang kayo, kaya natin yan, tayo pa ba" sabi ko nalang.
"Siya nga pala ayos na ba yung mga papers niyo para sa vacation natin, tinatanong na kasi ni ate trixia" tanung ko sa kanila.
"Yes naman excited na nga kami e" masiglang sabi ni kim.
"Ibigay niyo nalang sakin mamaya" sabi ko.
"Tara na, may class pa tayo" sabi ko at tumayo na ako at naglakad.
Malapit na namin natapos ang junior high namin, kumusta na kaya siya, isang taong na simula ng umalis siya wala man akong naririnig tungkol sa kanya, kahit kila marwin never nila napag usapan, o baka sinasadya lang nila na hindi pag usapan iyon.
"Shai tara na" sabi ng katabi ko.
Napatingin naman ako sa kanya, wala na pala ang prof, hindi ko man lang namalayan.
"Shai bakit ka umiiyak" tanung ni lyn, pinunasan ko yung mata ko may luha pala
"Wala tara na" aya ko at nauna na ako lumabas.
Sabi sa inyo e, pag naiisip kontalaga siya, hindi pwedeng hindi ako iiyak, aaminin ko nasasaktan parin ako pag iniisip ko siya, sa totoo lang namimiss ko na sya, miss na miss ko na siya, miss ko na ang bestfriend ko, pero nagpapakatatag ako para sa sarili ko at para da mga tao na hindi ako iniwan nung mga panahon na iyon.
Lyn P0V
Nandito na kami sa van tahimik lang si shaira sa gilid, nakita ko siyang may luha yung mata, pero pinunasan niya agad, alam ko at alam namin na kahit hindi siya magsalita, tuwing mag isa lang siya at tuwing tahimik siya na ganyan ay naaalala niya parin si jerone.
Alam din namin na pinipilit niyang maging matatag at alam ko na balang araw magiging masaya rin siya, at hindi namin siya iiwan.
YOU ARE READING
Bestfriends turned lovers
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na magpabago sayo, na ibalik ka sa dating ikaw, At nalaman mo na siya ang naiwan mong kababata na matagal mo ng hinahanap. At dahil sa lumalamim na pagakakaibigan niyo, ay may iba ka na palang nararamdaman para s...
