Shaira P0V
Last praktice na namin ito, buti naman, mababait naman silang lahat maliban sa isa dito,
"Guiz well done, good luck for tommorow guiz" ate K, at lumabas na ito
1 week din kami nagpraktice, and im thankfull na nakaya ko yun, and thankfull din ako sa partner ko na lagi pinapalakas yung loob ko, ewan ko ba dahil lang dito, hindi naman ako ganto dati e,
"Tara na" tumango lang ako, simula ng magpraktice kami sabay na kami lagi umuuwi, hinahatid niya na ako,
Habang nasa byahe kami ay tahimik lang, siguro sa pagod lang ito,
"Pwedeng punta muna tayo sa park bago kita hatid?" tumango nalang ako
Park
Huminto na kami, parang alam ko itong park na ito, lumabas na ko, ito yung park kung saan ko siya nakilala, napatingin ako sa swing, lumakad na ako palapit doon, may nakita akong dalawang batang nag uusap,
"Don't cry, gagamutin natin yang sugat mo," batang lalaki
"Tara uwi na tayo," tumayo na yung batang lalaki at nilahad niya yung kamay niya, umiling yung batang babae
"Magagalit si mama, pag nakita niya sugat ko," sabi nito habang umiiyak, umupo na ko sa bench doon, habang tinitignan sila
"E di sa bahay nalang namin yan gagamutin, tara na," hinila niya na yung batang babae at naglakad na paalis
"Ang sweet nila no" napatingala ako sa nagsalita, ngumiti lang ako, naupo naman siya sa tabi ko
"Alam mo special sakin itong lugar na ito, pagkinakabahan ako, nung mga times na pakiramdam ko mag isa ako dito ako pumupunta," napatingin ako sa kanya, para siyang may inaalala
"Nakilala ko kasi dito yung childhood friend ko kayalang" lumungkot yung mukha niya
"Kaya lang?" pag uudyok ko
"Hindi ko na alam kung nasaan siya e," ngumiti ulet siya "pero hindi ako nawawalan ng pag asa na magkikita ulet kami," buti pa siya may pag asa na magkikita pa sila, ako kaya... may pag asa pa na mahanap ko siya
"Same lang pala tayo na umaasa na makikita pa yung mga childhood friend," siya naman napatingin sa akin
"You mean my childhood friend ka rin?" tumango ako
"Dito ko din siya nakilala" simula ko
Flashback
Nalaman ko kasi na pupunta kami ng US at doon na titira, ayaw ko kaya umalis ako sa bahay at napadpad ako dito, may lumapit saakin batang lalaki, binigyan niya ako ng panyo, at umupo siya sa tabi ko hinintay niya ako matapos umiyak,
"bata ito na panyo mo salamat hah," abot ko kayalang umiling siya
"Chayo na yan, para pag umiyak ka ulet, pero chana wag ka na iiyak ulet, ayaw ko kachi na may umiiyak na girl e," tumango lang ako
"guchto mo laro nalang tayo, ako nga pala si chan ikaw anu name mo?" medyo bulol pa siya nun
"joy ang name ko sige laro nalang tayo, anu laro?" humawak sa baba nito ang batang lalaki, na nag iisip
"Tago taguan nalang, ikaw taya, ai hindi ako nalang , tago ka na," tumakbo naman ako nun simula noon naging kalaro ko na siya, pero saglit lang
End of flashback
"Panyo?" tanung niya,tumango ulet ako
"May nakalagay pa nga sa panyo e SJ, parehas nga kami ng initial ," sabi ko
"Nasaan na siya ngayon?" tanung niya ulet
Nagkibit balikat ako, "Hindi ko nga alam kong nasaan na siya, baka nga galit yun dahil sa pag iwan ko sa kanya, pero pumunta naman ako dito, pero di ko na siya nakita e, nag iwan naman ako ng sulat sa kanya," oo nag iwan ako sa kanya,sana nga nabasa niya e
"A-ano nakasulat doon?" tanung niya ulet
"Ang nakasulat doon, 'aalis na ko, hinihintay kita dito pero wala ka pa, hintayin mo ko hah, babalik ako at sa pagbalik ko maglalaro pa tayo ulet," nagulat ako ng sabayan niya ko, kaya napatingin ako sa kanya, maluluha na siya, "promise ko sayo na babalikan kita , hintayin mo ko hah bye" siya na yung nagtuloy dahil bumaksak na yung luha ko, nagulat ako ng niyakap niya ko ng mahigpit,
"Joy ang tagal kitang hinintay," garalgal na sabi niya, niyakap ko na rin siya,
"C-chan" bulong ko, i can't believe it na yung childhood friend ko ay nasa harap ko na,
Kumalas siya sa pagkakayakap at tinignan niya ako sa mata,.
"Hindi ako nagalit sayo, dahil iniwan mo ko, kasi alam ko na babalik ka at ngayon na bumalik ka na wag ka na ulet umalis hah," tumango ako
"Oo hindi na ko aalis, hindi na kita iiwan ulet promise," niyakap niya ulet ako.
Jerone P0V
Hindi parin ako nakapaniwala na si shaira yung childhood friend ko at masaya ako para doon
"Jerone kaya ba ayaw mong magpatawag ng sean?" tumango ako, nakasandal siya ngayon sa balikat ko, im happy now because i found her.
"Why?" tanung niya
"Kasi gusto ko pag nakita na kita, ikaw lang ang tatawag sakin nun," oo galit ako sa mga tao na tumatawag sakin noon ng sean, ewan ko ba, gusto ko siya lang,
She chuckled, "Parehas pala tayo ng iniisip, masaya ako na ikaw yung chilhood friend ko," naramdaman kong inangat niya yung ulo niya, kaya tumingin ako sa kanya
"Bestfriend?" tinaas niya yung hinliliit niya,
"Bestfriend" nakangiti kong sabi at nag pinkyswear kami
"Tara uwi na tayo, para hindi ka na masyado mapuyat, at maganda ka bukas," natawa naman siya, tumayo nako at tinulungan siya tumayo,
"Good night, tulog na agad hah," sabi ko nandito na kami sa tapat ng bahay nila,
"Good night din," lalabas na sana siya ng maalala ko yung sulat,
"Ahh shai ito nga pala," inabot ko sa kanya,tinignan niya muna bago kinuha at binuksan,
Nagulat ako ng yakapin niya ko, kaya i hugged her back,
"Sige gudnight, ingat ka," at bumaba na siya, kumaway nalang ako, ganun din siya, pinaandar ko na yung kotse,
Masayang masaya ako kasi hindi niya ako nakalimutan at bumalik siya, bumalik ang 'childhood friend' ko.
YOU ARE READING
Bestfriends turned lovers
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na magpabago sayo, na ibalik ka sa dating ikaw, At nalaman mo na siya ang naiwan mong kababata na matagal mo ng hinahanap. At dahil sa lumalamim na pagakakaibigan niyo, ay may iba ka na palang nararamdaman para s...
