Chapter 24: the list

22 0 0
                                        


Shaira P0V

Nandito na kami sa resort, christmas vacation na kasi, ang ganda dito at kami lang nandito kasi nga private.

Naglalakad ako sa buhanginan ng may sumabay saakin, pagtingin ko si sj lang pala.

"Nagsosolo" sabi niya.

"Hindi, ang fresh kasi ng hangin, nakakawala ng problema" nakangiting sabi ko.

Nagulat ako ng hilain niya ako sa isang tree house?

Meron pala nito dito, naupo kami, medyo malaki naman siya kaya kasya kami dalawa.

Nakatingin lang kami sa sunset,

"Alam mo noong mga panahon na wala ka lagi lang ako nandito" biglang sabi niya.

"Ano namang ginagawa mo dito?" tanung ko.

"Wala nakatingin lang sa malayo, iniisip ko kung nasaan ka na, kung babalik ka pa ba" sabi niya, napatingin ako sa kanya.

"Minsan nga para na akong baliw dito e, kasi pati dagat kinakausap ko na"  nakangiting dugtong niya.

"Pero alam mo, ngayon masaya na ko kasi kasama na kita dito" nakangiti paring sabi niya at lumingon saakin, nakita ko nga yung saya sa mga mata niya.

Kaya hinawakan ko yung kamay niya.

"Lagi mo na ako kasama dito, hindi na yang dagat na yan ang kakausapin mo" sabi ko, sabay kami napatingin sa dagat.

Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya, at pinagmasdan namin ang sunset.

Nagising ako dahil sa sigaw ng kapatid ko, pagmulat ng mata ko nasa kwarto na ako.

Nakatulog pala ako doon hindi ko man lang namalayan.

Nagring yung phone ko kaya sinagot ko naman.

"Finally you answer my call, kahapon ka pa namin tinatawagan kaso hindi mo naman sinasagot" bungad ni ate ella.

"Sorry naman po, hindi ko lang napansin"  sagot ko, umupo na ko.

"Bakit ka napatawag ate?" tanung ko.

"Kasi nakuha na namin yung list ng kabila, wag ka sana mabibigla" sabi niya.

"Bakit naman ako mabibigla" tanung ko, kinabahan ako bigla, ewan ko ba,

"Siguro maganda kung ipapasa ko nalang sayo yung list" sabi niya.

"Kumusta na nga pala ang vacation, mukhang nag eenjoy kayo hah" pag iiba niya sa usapan.

"Masaya naman ate sayang nga hindi kayo nakasama e" sagot ko.

"Ai naku shai pag naglast year ka na sa high school, hindi na pwede yang vacation na ganyan" sabi niya.

"Oh sige ipasa ko nalang sayo yung list ng kabila, bye enjoy the vacation" paalam niya at pinatay niya na.

Tumayo na ko at nagpalakad lakad, hindi ko kasi alam kung bakit kinakabahan ako e,

Napahinto ako ng pumasok yung girls,.

"Shai tara na, naghihintay na sila sa baba" sabi ni lyn

Napatingin ako sa phone ko ng magvibrate kaya mabilis ko itong binuksan, natigilan ako sa nakita ko.

Lyn P0V

Nakita namin si shai na natigilan at napaupo sa kama niya kaya nilapitan namin siya.

"Ayos ka lang?" tanung namin, hindi niya kami sinagot binigay niya lang yung phone niya kaya napatingin din ako.

"Ito yung list ng kabila diba?" tanung ko, kinuha din sakin ni kim.

"Oo nga, don't tell me kinakabahan ka matalo" sabi ni kim at umupo sa tabi ni shai

"Hindi naman iyon e" sabi niya nagkatinginan kami ni kim, parang naiisip niya rin ang naiisip ko.

"Ai naku shai, alam na namin yang nasa utak mo" sabi ko.

"Shai naman wag mo na ulitin yung ginawa mo last year, alam mo namang nananadya talaga yung bitch na yun e" dugtong ni kim

"Pero kasi paano si aray" hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi binatukan ni kim.

"Si jerone nanaman, shai naman maiintindihan niya naman siguro iyon no" sabi ulet ni kim.

"Oo nga naman at kung totoong bestfriend ka niya e, iintindihin niya iyon" sabi ko.

Tama naman yung sinabi ko diba? sana kahit ngayon lang intindihin niya si shai, hindi yung si shai nalang lagi yung umiintindi sa kanya.

"Sana pag isipan mo yang nasa isip mo, kausapin mo siya para malaman mo ang totoo at kung hindi ka niya maintindihan, so what nandito naman kami lahat para sayo" mahabang sabi ni kim, wow hah si kim ba itong kasama namin.

"At shai tama si kim sabihin mo na sa kanya yan, baka kasi pag nakipagswap ka nanaman ay isipin pa ng bitch na iyon na natatakot ka na matalo niya, diba nga last year ginawa mo na yan, kaya sobrang saya niya na akala niya siya na ang mananalo" sabi ko,

"Oh si ate ella tumatawag" sabi ni kim, at binigay sa kanya kay shai yung pbone, kinuha naman niya iyon at tumayo umupo naman ako sa tabi ni kim.

Shaira P0V

Lumayo ako ng konti doon sa dalawa at sinagot ko na yung call.

"Hello ate natanggap ko na yung list, thqnk you" sabi ko

(" Actually hindi yan ang tinawag ko, gusto ko lang sana sabihin na, please ituloy mo na ito, alam ko na mahihirapan kang gawin yun lalo na ngayon dahil kay jerone, shai sana ngayon intindihin mo naman yung gusto mo bago yung iba") sabi ni ate ella, napaisip ako sa sinabi niya, naisip ko din yung sinabi ng dalawa sa likod, tama naman silang lahat sa sinabi nila, pero--

"Girls tara na ang tagal niyo naman" sabi ni sj, kahit nakatalikod ako kilala ko na siya.

("Hello shai nandyan ka pa?" ) tanung ni ate ella,

"Thank you ate see you sa school" sabi ko at binaba ko na.

"Una na kayo guiz sunod nalang ako" sabi ko at pumunta na ko sa cr.

Pero kaylangan malaman niya ito, kaylangan masabi ko sa kanya at maipakita ko sa kanya yung list.

Bestfriends turned loversStories to obsess over. Discover now