Simula

22 3 4
                                    

Malamig at ang tanging naririnig ko lamang ay ang ingay ng aircon sa aking kwarto. Nakatitig ako sa kawalan nang pinasok ni Sandra ang aking kwarto.

"Alexiz Blaire Nieves, nako naman ang tagal mong bumangon! Malelate na tayo!" aniya

"Oo, babangon na ako" sagot ko naman sakanya

Si Sandra ang lagi kong kasabay pumasok at sya rin ang nagpupunta sa aking unit para
magkasabay kami.

Pagkatapos kong maligo ay tumunog ang aking telepono na nagsasabing may tumatawag

"Hello, Pa?"

"Blaire, kailangan mong pumunta sa Casa, hindi ako makapunta dun. I have to check our papers at Cebu."

"Do I have a choice, Pa?" Wala naman na akong choice so Ill just go there.

Isa rin sa napakaraming dahilan kung bakit nasa condo unit ako nakatira at hindi sa mansyon namin. Panay maids lang naman ang nandoon.

"Just go there, Alexiz" aniya

"Yes, Pa i'll go there after school."

I'm a college student but I'm already working as the Vice President of Casa Cosmetics since ayaw ni Ate Alexxa na sya ang mag Vice President kasi Engineering ang gusto nya. Mahirap pagsabayin ang pagaaral at ang pamumuno sa negosyo namin pero ayaw ni papa na iba ang mamuno.

"Okay, ija take care" and I ended the call.

"Sandra, tara na aalis na tayo" sabi ko sakanya

Halos lumipad na ang isip ko kung paano ko pagsasabayin ang pagaaral at pagiging lider ng kompanya.

"Naririnig mo ba lahat nang sinabi ko, Alexiz?" Sabi ni Sandra

Ghad, hindi ko alam kung anong sinabi nya! Tuluyan na ngang lumipad ang utak ko!

"Ha? Ano yon, Sandra?" Tanong ko habang inaalala kung may nasabi ba sya o wala

"Ang sabi ko, papasok ba tayo sa kotse mo o hindi? Kanina pa tayo nakatunganga dito sa labas. 6:30 am na!"

And that's it!

30 minutes nalang late na kami!!!

Pinatunog ko ang aking kotse para makasakay na kami

"Sandra, nandoon na ba sila Kate at Clarisse sa room?" Tanong ko

"Oo, nakikisama nanaman nga raw si Jewel eh" sagot nya.

Binilisan ko nalang ang pagmamaneho at pagpapark para makapasok na kami agad.

Unang araw na unang araw late agad! Argh!

Habang pababa ng sasakyan, kinalma ko muna ang aking sarili at nagfreshen up.

"Grabe, Alexiz!!! Bahala ka na dyan aalis na ako!"

"Hoy Sandra saglit eto na!"

Hinabol ko sya at sabay kaming nakapasok.
Napangiti ako kahit na ganyan sya, pinaparamdam nya na lagi syang nandyan.

Habang naglalakad kami ni Sandra ay tumunog ang kanyang phone.

"Nagtext si Clarisse, bilisan na raw natin parating na si Maam"

"Tara na"

***

Mabilis natapos ang klase at ngayon ay papunta na ako sa Casa Cosmetics para naman magtrabaho.

Alas dos palang ng hapon pero cut na raw ang school dahil unang araw palang naman.

Habang nagdadrive ako papunta sa Casa, nagpatugtog muna ako ng kanta at kinonekta ito sa speaker. Ang Casa Cosmetics ay isang kompanya na kung saan gumagawa ng mga cosmetics tulad ng, make-ups, lipsticks, shampoo, eye liners, lip tints, soaps and the like. We hired the best doctors in the world that made our company famous. Kundi dahil sa kanilang tyaga sa pagtatrabaho ay hindi aangat ang aming kompanya. Marami rin ang gustong mag-apply pero kapag binabasa ko naman ang mga papeles nila, hindi ganoon kaganda o di kaya hindi pasok sa hinahanp namin. In fact, hindi naman kasi kami hiring or whatsoever.

Sweetest DestinyWhere stories live. Discover now