[Chapter 4]

12 1 3
                                    

Malamig na umaga ang bumungad saakin at kakaibang simoy ng hangin ang siyang naaamoy ko. Alas kwatro palang ng umaga at hindi pa rin naman gising si Sandra kaya nanatili nalang muna ako sa may veranda at umupo roon habang nagkakape. May mga araw talaga na sa condo ko natutulog si Sandra kaya may mga damit sya dito. Mas maganda na rin na may kasama para hindi mo maramdaman na magisa ka lang talaga. Sanay naman na ako magisa dahil minsan lang din naman umuwi ang parents ko sa bahay namin buti na nga lang talaga at mayroon na akong condo.

Pakiramdam ko gagawa na ng hakbang si Kiel kay Sandra dahil naglalakas loob na syang lapitan sya. Nakakatuwa rin dahil kahit papaano ay mas lalong sumasaya ang kaibigan ko. She deserves to be happy.

May kailangan ako ayusing mga papers kaya I should take a leave for today.

Hindi ko na ineexpect na magrereply si Laura at baka abala rin sya tsaka masyado pang maaga para magreply sya.

Habang inaantay si Sandra magising, nagluto na muna ako ng breakfast. Naghanda ako ng eggs, bacon at pancake at naginit na rin ng tubig baka sakaling gusto ng kape ni Sandra.

Maya-maya't tumunog na ang kettle at kasabay non ang paglabas ni Sandra sa kuwarto nya.

"Good morning. Kain na tayo hanggang 2 pm lang ako ngayon. Ikaw ba?" Tanong ko kay Sandra.

"Hanggang 12 lang ako ngayon pero may group work kami mamayang 1:30 sa may Books & Beans."

Sinabi ko rin na kukuha ako ng mga papers sa univ at didiretso sa Beyond Coffee place dahil may ka-meeting ako roon para sa Casa at pagtapos noon ay uuwi na rin dahil may mga papeles pang nakatambak na kailangan kong pirmahan.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto at naligo na. Sabi ni Sandra na sya na ang magaayos dahil ako naman na ang nagluto. Pagkatapos maligo ay nagsuot na lang ako ng Vanilla 3 button blazer, icon jeans at simple shirt sa ilalim ng blazer at beige stiletto. Lumabas na ako ng kwarto at hinintay matapos magayos si Sandra. Hindi kami magkaklase ngayon dahil Philosphy first ko ngayon at Biology naman sakanila ni Clarisse.

Pagkalabas ni Sandra sa kwarto nya ay tumayo na rin ako at nagtungo sa labas. Bago kami pumunta sa parking ay nilock ko muna ang condo ko at sumakay na rin sa elevator.

"So kumusta kayo ni Kiel?"

Namula naman agad si Sandra at sumakay na sa sasa

"Ayon inaya nya ako lumabas mamaya sa may Harbor View."

Wow susyal ni Kiel ha sa Harbor View pa.

"Wow mahal don ah? Date?"

"Oo raw"
Tumango nalang ako sakanya at naghiwalay na kami ng daan ni Sandra nang makarating kami sa parking dahil iniwan nya rin naman dito ang sasakyan nya kahapon.

Agad din ako nakarating sa room namin at nagsimula na ang klase.

Sabi ng mga kasama ko rito ay wala raw ang prof para sa next subject ko kaya tumambay muna ako doon sa hidden place na tambayan ko. May mga upuan don at sobrang refreshing kaya doon ako tumatambay kapag walang klase.

Umupo ako doon sa gilid at inilabas ang laptop ko para mabasa na yung mga papers sa Casa.

Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko at mukhang pagod na pagod at hinihingal pa sya.

Hindi ko alam na may nakadiscover na pala nito.

Hindi nalang ako umimik at hinayaan sya na magpahinga nalang sa gilid. Hindi ko pa nakikita kung sino sya dahil nakatalikod sya kaya tinuloy ko nalang ang gagawin ko.

Tumunog naman yung phone ko at tinignan ko yun at nakita kong tumatawag si Kiel saakin.

"Hey..." ani Kiel.

Sweetest DestinyWhere stories live. Discover now