Agad natapos ang klase at napagdesisyunan namin ni Sandra na gumala kasama si Gayle at si Chelle. Naging kaibigan namin sila nung highschool. Magkikita kami nila Gayle at Sandra sa may quadrangle dahil pare-pareho lang naman kami ng university magkakaibang building lang kasi accountancy yung kay Gayle tapos si Chelle naman ihahatid nalang daw ni Nico sa mall. Si Nico ang boyfriend ni Chelle since highschool.
"Grabe Alexiz padaan si Kiel!!" Bulong ni Sandra
Di nya kasi alam na may gusto rin sakanya si Kiel eh hahaha sayang!
".... ay kaso may kasama" malungkot nyang sambit
"Sino si Reese?" Sagot ko naman pero hindi ko parin sya tinitignan dahil nagtetext si papa.
"Oo... mukhang papunta nga sila sa cafeteria eh"
Si Reese naman pala kasama eh hindi ba nya alam na pinsan ni Kiel yon? Tumingin na ako kay Sandra saba'y sabing....
"Nagseselos ka sa pinsan non?" Kitang kita ko naman na gulat na gulat sya sa sinabi ko. Right! Di nya nga alam.
"Hala pinsan nya si Reese? May chance pa ako hihi mga 10% hahahaha ang dami kasi nagkakagusto sakanya eh alam mo naman, nasa banda sya diba tumutugtog sila tuwing night event dito." Aniya
Sabagay, sikat nga naman kasi talaga si Kiel lalo na sa mga girls dito sa university ang alam ko nga mayroon ding nagkakagusto sakanya sa mga tourism students eh. Hay kailan ba kasi lalapit tong si Kiel kay Sandra? Lakas ng power of torpe nya ako na nahihirapan sa kanya e.
Dumating na si Gayle at nagpunta na kami sa parking at sumakay na sa kanya kanya naming kotse pero si Sandra sasabay nalang daw saakin dahil iniwan nya yung kotse nya sa building namin. Pababa na ako ng sasakyan nang marinig kong umaray si Sandra at nakito ko na nagkabungguan sila ni Kiel at ang katabing sasakyan pala namin ay ang kay Kiel.
"Uh a-ano hi Sandra sorry!" Halatang kinakabahan si Kiel hahaha!
Nagayos naman ng buhok si Sandra at sumagot kay Kiel kahit na pulang pula na ang pisngi nya.
"H-hi a-ayos lang yun, K-K-Kiel"
Pagkatapos non ay sinabi ni Kiel saamin ni Gayle na kung pwede ay kakausapin nya si Sandra. Kinindatan ko naman si Sandra at hinila na si Gayle papasok ng mall.
"Uy sis ba't mo iniwan yun dun? Paano natin makakasama yun?" Nagaalalang tanong ni Gayle saakin.
"Hayaan mo muna silang dalawa sis! Hihi I'll just text her later"
Sandra's PoV
Jusko ba't naman ako iniwan ni Alexiz dito shit! Ano sasabihin ko kay Kiel? Magku wari kaya akong nagulat saba'y sabing aykielgustokitashet! Ganyan?"Uh Sandra sorry pala nabunggo kita hindi kasi kita nakita" ani Kiel
Jusko naman Lord ang laki ko na di pa ako nakita ng taong gusto ko!
"Ah yun ba okay lang saakin yun hahaha" sabi ko naman
Napakamot sya sa ulo nya na para bang naghahanap ng tamang salita na sasabihan at parang nahihiya pa saakin.
"Ano nga pala gagawin nyo rito?" Sinabi ko naman na gusto lang namin gumala nila Alexiz at natahimik nanaman kaming dalawa. Shet ka Alexiz ano na gagawin ko nasaan na ba kayo? Huhu lakas ng tibok ng puso ko sis!
*ting*
Nakita kong nagtext na si Alexiz at sabi nyang sa restau nalang daw nila Clarisse magkita.
"Hinahanap ka na ba nila? Pasensya ka na at pinaiwan pa kita dito. Saan ka raw ba nila kikitain? Hatid na kita doon." Aya nya saakin shet...
"Ah sa restau raw nila Clarisse sa may 2nd floor."
