Chapter 3 - Kitchen moment

755 51 1
                                    

Chapter 3

Keila POV

Napalingon agad ako ng mag salita ang isa sa mga kasamahan nila Ateng Jimma at yotski na tawagin nalang natin sa pangalang staff 3. Di ko kasi kilala kaya staff 3 nalang ang itatawag ko.

Nakatayo ito sa gilid ng pintuan ng office nila. Pero kitang-kita ng magandang mata ko ang ginagawa ng dalawa.

Napahawak ako sa bibig ko pero agad ko ring binaba. Nakalimutan ko palang mag toothbrush.

But oh my goshess! Si Tristan nga at hawak-hawak nito ang itlog ni Beh Eman.

Oh my goshess uli. Mga walang hiya sila at dito pa sa DSS nag hawakan ng itlog.

Pa'no ko alam?

Dahil echusera ako. Char! Hahaha!

At dahil dakila akong echusera at pakialamera. Naglakad ako at pinasok ang office nila. Umalis na rin si staff 3 na parang walang nangyari at nakita.

Mukhang ako lang nakahalata sa nangyayari ah.

"Anong ibig sabihin nito mga beh?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Napalingon naman agad sila sa akin na parang nagtataka sa biglang pag sulpot ko. Pero itong si Eman hindi maalis ang titig sa akin. Si Tristan naman nakakunot ang nuo habang hawak parin nito ang itlog.

"Keila, pasok ka!" Iginiya ako ni Eman beh sa upuan pagkakita sa akin. "You look so beautiful. Bagay sa 'yo ang kulay blonde na hair."

I know right Eman beh.

"Thanks beh. Pero mas babagay pa sa 'kin ang cut at kulay niyan pag katabi kita. Hehehe."

"Hahaha. Nice one Keila," tawa niya. "Gustong-gusto ko talaga ang humor mo. Nakakaaliw kang kausap."

Hindi pa ako nakakasagot kay Eman beh ng bigla nalang hawakan ni Tristan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa isang kwarto na medyo madilim. Katabi lang nito ang office nila.

Wala na rin namang nagawa si Eman beh dahil biglaan ang mga pangyayari.

"O-Oy Tristan ah. B-bakit mo ko dinala dito? Anong gagawin mo sa 'kin? Kung may balak ka sana sinabihan mo muna ako para atleast makapag prepare ako."

Napaka creepy naman ng room na ito.

Basta creepy lang siya. Ang tahimik din naman kasi. Ako lang ang nag-iingay.

"Ang ingay mo talagang babae ka," sita sakin ni Tristan Beh. Ang sama ng tingin niya.

Pero kitams? Maingay nga talaga ako.

"Eh ano ba naman kasi ang ginagawa natin dito?" sagot ko sa kanya ng nakapameywang. "Ang dilim-dilim pa."

Echus ko lang 'yong madilim. Hehe.

Slight lang naman 'yong darkness.

Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsarado ang pintuan sa tabi ko. Wah! Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking ito? Kung may gusto siyang mangyari. Dapat gawin na niya. Chus.

"T-teka naman," salita ko uli. "Ba't mo nilock ang door? Ano ba talaga gusto m, Tristan Beh? Ang ka-diyosahan ko?"

Sinamaan niya uli ako ng tingin.

"Hindi nila pwedeng makita ang gagawin natin," sagot niya.

"Ha? A-Ano palang gagawin natin?"

"Magbati."

Inside His Boxster (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon