Chapter 5 - His proposal

914 49 8
                                    

Chapter 5

Keila POV

Yohow! Kanina pa ako sumasayaw dito sa bar na pinuntahan namin ng kapatid ko. Pagkatapos kasi naming mag usap sa damuhan ng bahay namin ay nagyaya itong mag bar nalang daw kami.

Kakapagod palang sumayaw tapos umiinom ng alak 'no?

Lashing na ata ako. Naalog ang utak ko sa kakasayaw. Hek! Naramdaman ko nalang na may humihila sa akin papuntang bar counter. Hindi ko siya tiningnan dahil baka isa lang siya sa mga admirers ko.

"Enehh behh... betewen me ke," pabebe kong sabi sa kanya. Hindi parin ito nagsalita pagka upo namin sa upuan.

"You are like a vamp and dancing like a GRO! God, Keila! Are you stupid?!"

Sa tono ng boses ng mokong na ito mukhang naiinis siya sa akin.

"Tek---"

"Oh! Ba't ko pa ba tinatanong 'yon?," salita niya uli. "Sira ka naman talaga dati pa."

Siraulo 'tong mokong na 'to ah.

Hatakin ba naman ako tapos pagsabihan na parang bata. Inob-ob ko ang mukha ko sa mesa at naka side viewng tiningnan ang mokong na naghila sa akin. Hindi ko siya masyadong maaninag. Kailangan ko na ata pumunta sa EO nito.

Grrr! Pipikit na talaga ang mata ko sa sobrang kalasingan. Hindi pa nga ako naka move on sa ex boyfriend ko tapos nadagdagan na naman kina Tristan at Emanuel.

Wala na bang matinong syotain d'yan?

Yohow! Labas naman kayo oh!

"You..." turo ko sa kanya. Usapang lashing na 'to. "You are absolutely rayyyt. 'Yan lang ang tsingin mo shakin. Tshaga handa ng ishushuot mo, ng kakainin mo. Tshaga ayosh sa bahay mo. Tagashalo sa mga problema mo. I wash nevah your part--partner. I'm jash your wayfff! Kaya hindi mo ako nirereshpeto!"

"Baliw ka talaga!" singhal niya sa kin saka may inabot na... kape? May kape pala sa mga ganitong bar?

"I want tuba not kafe!" atungal ko sa kanya. "Because tuba is matamish and kafe is mafaet! I don't like mafaet."

"Walang tuba dito," sagot niya.

"Ha? Walang tuba? Eh, ba't may kafe? Ayoko ng kafe dahil mafaet. Gushto ko ng tuba dahil matamish. Slurrrrp! Ang shakit lang kashi eh."

"Ma'am wag po kayong mag-alala." Naningkit ang mata ko habang inaaninag ang bartender na nagtimpla ata sa 'kin ng kafe. "Normal lang 'yang nararamdaman niyo. At ang sakit na 'yan ay naranasan ko na rin. Ang pait ng buhay namin nuon. Talagang hindi ko maano, talagang hirap kami syempre. Pero bilib parin ako kay mama sa gitna ng pait smile parin siya. Do'n ko nakita na dapat hindi nega. Kasi kahit anong pait ng buhay kaya ko 'tong pasarapin. Parang kape creamy white na binigay ko sa inyo. Ito lang ang may nestle milk, walang pait. Tinanggal namin ang pait para makabangon kami. Ikaw para kanino ka bumabangon?"

Ha? Ano daw? Ba't nasali ang commercial na kafe ni Daniel Padilla dito? Sira ulo din ang isang ito eh.

"Pashensya na." napalingon naman ako sa isang gilid ko. Parang familiar ang boses niya eh at lashing na rin ito kagaya ko. May hawak din itong isang baso ng kafe. "Opsss! Ulit ulit... Hek! Pashensya na hek... kung fafatyulugin nha mowna. Ang fushong nafagod. Ka ka hint pu tay."

Ito nalang ang kakausapin ko.

Mukhang magkakasundo kami sa usapang lashing. Feeling ko mas may sense kausap siya. Hindi ko nalang pinansin ang dalawang mokong.

"Hoy Moira!" tawag ko sa kanya. "Kamfay tayo ng kafe."

Itinaas niya rin ang baso niya at pinagbunggo ang mainit na kafe namin. See? Madali lang kausap 'no?

Inside His Boxster (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon