Chapter 1 - In cemetery

1.8K 73 4
                                    

Chapter 1

Keila POV

Move to the left. Swayyy! Move to the right. Swayyy! Atras swayyy... abante swayyy... atras atras abante swayyyy!

It's already 5 o'clock in the afternoon at kanina pa pala ako tumatakbo. Palibot-libot lang ako dito sa private cemetery.

I'm not dancing. Okey?

I'm half running and walking. Wahee!

Dapat with all the movements at echos para worth it ang pagod ko sa pagpunta dito.

This is part of my exercise and to stay fit ang pagtakbo ko every weekend. I just wanted to release all the negative thoughts and vibes na nangyari sa 'kin the whole week.

Hay naku! Hindi ko talaga lubos maisip na sa ganda, talino at sexy kong 'to ay iiwan nalang ako bigla-bigla.

Ang swerte rin ng unggoy na 'yon talaga.

Kung pwede ko lang siyang ilibing sa sementeryong ito. Ginawa ko na. Hmp!

Pero ayoko namang maging kriminal 'no. Karma nalang seguro ang bahala sa kanya. At saka, tapos ko na siyang ipagsindi ng kandila. Total patay na rin naman siya sa buhay ko at puso ko.

Sabi nila, there are three main things that you don't have to chase in life...

Una, your true friends.

Pangalawa, your true love.

Pangatlo,  your destiny.

Napailing ako, hindi dahil sa quotation na naalala ko kundi dahil sa mga manong sa tabi na nagbungkal ng lupa.

Ang mga walang hiya. Sa magandang mukha ko talaga itapon ang mga lupa!

Anong tingin nila sa 'kin.

Tapunan ng hinukay?

"Pwe! Hinay hinay naman mga manong oh," sabi ko habang pinapagpag ang mga lupa sa mukha ko.

"Naku, sorry po."

"Hmp! Aaanhin ko ang sorry ninyo kung nakain ko na ang lupa?"

Kainis, pa'no ako uuwi nito kung puno ng lupa ang katawang lupa ko?

"Okey lang po 'yan ma'am. Alam niyo po ba na may mabuting benipsyo ang lupa dito sa cemetery?"

Napa ohhh naman ako.

Umalis si manong sa ilalim ng hinukayan niya at nagpa balik balik ng lakad sa harapan ko na parang si Kuya Kim.

Sinundan lang namin siya ng tingin.

"Lingid sa kaalaman ng lahat ay may sekrito at mabuting chemicals na nakahalo dito na meron din sa mga sikat ngayong hinahalo sa produkto na pampa puti at pampa kinis."

Tumigil ito at kumuha ng lupa.

"Ang tawag dito ay GSH o Glutathione. Ang glutathione ay isang master antioxidant at detoxifier sa bawat cell ng ating katawan. According to wikipedia, Glutathione is an important antioxidant in plants, animals fungi, and some bacteria and archaea. It is capable of preventing damage to important cellular components caused by reactive oxygen species such as free radicals, peroxides, lipid peroxides and heavy metals. It is a tripeptide with a gamma peptide linkage between the carboxyl group of the cysteine, and carboxyl group of cysteine is attached by normal peptide linkage to a glycine. Ang tawag namin dito ay GGSS with super W o Great Gluta Secret Sand with super Whitening. Ito po si Kuya Kim Poy ang inyong Matanglawin! "

Napahawak ako ng ilong ko.

Para kasing dumugo ito.

Wala akong masabi kundi...

Inside His Boxster (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon