He loves Me?!!

1.2K 17 0
                                    

Pinuntahan na namin ang kinaroroonan nila Jazz pero napapansin kong hindi maganda ang kalalabasan nito😑Mainit ata ulo ni Jasper eh. Parang alam na alam niya kung paano mag-isip yung si Jazz. Iba talaga basta magkaibigan eh.

Okay ka lang ba?😕

Oo😊Ang gagong yun😡Gabing-gabi na nga naglalasing pa. Ma curfew kami lagot siya sakin

May pinagdadaanan lang siguro yung tao😊Malay mo nabigo o naagawan di ba?

Tsk😑 he just hissed at me

Nakarating na rin kami sa kinaroroonan nila. Si Keith, Haze at Ethan ang nandun. Siguro takot talaga sila kay kumag kaya nagpaiwan yung iba😁Mga duwag talaga oh😊

What's up with you, Jazz?😡Ano na naman ngayon ang problema mo ha? iritadong tanong ni Jasper sa bestfriend nya

Jas, magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo diyan😑intindihin mo na lang kasi lasing ang tao eh. Sabi ko naman sa kanya

Alex, tulungan mo akong makalimot oh😑Nagmamakaawa na ako sayo. he hold my hand

Sorry bro but she's not available to anyone now😊My girl, my property. paghila naman ni Jasper sakin sa tabi niya

I can't believe you, Jas😁Pati na rin pala si Alex inaangkin mo na😊May Zoey ka na di ba? Salawahan ka talaga kahit kailan. he smirk at him

Jazz, umuwi ka na😧Lasing ka na eh. Mag-usap tayong lahat bukas tungkol diyan sa problema mo😑At isa pa may mga pasok pa tayo eh

Alex, ikaw ang problema ko!😒 sigaw niya bigla

Bakit na naman ba?😕Ano na namang ginawa ko sayo?

Alex, mahal kita eh!😡Ikaw lang! sabi niya bigla sakin

Natulala ako sa sinabi niya habang yung iba hindi na makagalaw sa pagkagulat nila sa sinabi niya.

Ako lang? Seryoso ka ba?😕Jazz, hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao dahil siya lang ang nakikita mo😊Subukan mong lumabas naman kahit minsan. Dun mo lang masasabi na mahal mo ako kung wala talagang babae ang makakabighani sayo

Napabuntong-hininga na lang siya at hinawakan ang mukha ko sabay tingin sakin ng diretso.

Alex, mahal kita😊Please pumayag kang liligawan kita. Mahal na mahal kita. at bigla niya akong hinalikan

Napamulat ako sa ginawa niya. Ni wala akong lakas para itulak siya

Lasing ka, Jazz!😠Tangna! Alex was my girlfriend but you didn't even think about it! Sigaw ni Jasper sa galit

Nakabulagta na si Jazz sa damo dahil sa malakas na suntok na iyun galing kay Jasper.

Girlfriend?!😠Fake girlfriend kamo! Ginagamit mo lang siya dahil sa usapan niyo, Jasper! At mahal ko siya! I treasure her more than you do!

Tama na!😡Tumigil na nga kayong dalawa! Walang magagawa yang away niyo eh! Kung mahal mo ako Jazz, matauhan ka na muna😑Ikaw naman Jasper, lasing ang tao! Ang hangin mo rin eh! Hindi mo na sinanto. I let out a heavy sigh before leaving them

Umupo ako sa isang bench habang tinitingnan sila na tulala pa rin sa nangyari. Maya-maya umupo si Hazel sa tabi ko.

Sana pala nung una palang hindi na ako pumayag na bumalik noh😊Alam mo tama ka eh. Ako ang sisira sa inyo. sabi ko sa kanya

Hindi😑I'm sorry about what I said. Di ko naman talaga sinasadya yun eh. Dalawa na kaming nagmamahal sayo ngayon. Hindi ko pa alam kung ganun din si Jasper.

Tama na kayong dalawa😊Hindi na ako natutuwa sa laro niyo kaya bukas na bukas din tatapatin ko na agad kayong dalawa. Ayoko pang magkaroon ng boyfriend at gusto kong makatapos muna.

Uwi na tayo😊Puntahan mo na muna si Jazz at ako nang bahala kay Jasper.

Tumayo na ako at agad na itinayo si Jazz mula sa pagkakatumba niya sa damuhan. Tinulungan na ako ni Ethan at tinungo na namin ang sasakyan ni Jazz.

Ako nang bahala kay Jazz😊Sorry sa gulo ah? Mukhang nadadamay ka na dito. he force a smile at me

Ako nga dapat mag sorry kasi ako na ang nakakagulo sa inyo😊Mula nung dumating ako sa buhay niyo dun ko na nasira ang relasyon niyo as friends

Natural lang yun😊Pag-Ibig nga di ba? Kaya wag mong sisisihin ang sarili mo.

Alex....ako na lang Please?...Wag na si Jasper o si Hazel o di kaya si Paul...Ako na lang...he murmured

Iba talaga karisma mo sa kanila😊Si Hazel nagkagusto sayo nung nakipaglaban ka at hindi nagpapadaig sa mga lalaki, Jazz fall for you na dati naman cold-hearted at walang sinasanto kahit na babae, sinusungitan pa niya ito. Si Jasper naman nagkaroon ng tiwala sayo nung binigay mo sa kanya ang salita mo at nagkaroon ng tiwala ang parents niya sayo😊

Anong ibig mong sabihin, Ethan?😕

You're one special girl😊Na kayang magpalambot at mahalin ng isang Playboy at cold-hearted na mga lalaki Even if it's a gangster

Ngumiti lang ako sa kanya dahil sa totoo lang? Nahihirapan na rin ako eh. Parang ayoko na. Para na akong Tanga dito oh. Ayoko na.

Alex, please...stay with Jazz😊Sigurado akong hindi ka niya sasaktan. Kung gusto mo si Jasper Please tumigil ka na. Ikaw lang rin naman ang masasaktan kapag ipinagpatuloy mo pa yang nararamdaman mo para sa kanya😑 paliwanag niya pa

Sino ba nagsabing mahal ko ang kumag na yun?😕Sumasabay lang ako sa kanya😊Matatapos na rin naman to at aalis na rin ako sa puder niyo. Hindi niyo na rin siguro ako makikita dahil dun na ako sa bahay ng tiyahin ko. Si Paul na rin makakasama ko sa araw-araw kaya wala na kayong dapat alalahanin. Andiyan pa naman sina Kale at Toma para sakin eh.

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon