Spoiled Brat

539 16 3
                                    

Spoiled Brat

My name is Sophia Taylor. The following words are the words that perfectly describes me....

Maganda

Mataray

Mayaman

Mataas ang pride

Lahat ng gusto ko nakukuha ko maliban sa isang bagay.....................ang pinakagusto kong makamit sa lahat ng pwede kong makuha sa mundo ay ang................

pag-ibig ng taong mahal ko

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

"Ms. Taylor nandito na po tayo sa school mo" sabi sa akin ng driver ko. Bumaba na ako agad ng sasakyan at pumunta sa classroom namin. Habang papalapit ako sa room, nagsialisan na yung mga tao sa harap ko. Lahat sila pumunta sa gilid para magbigay daan sa akin.

"Alam mo ba si Shawn daw may girlfriend na! Pinagkalat niya pa sa buong school" bulong ng isang girl sa kasama niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumunta ako malapit dun sa nagchichismosan .

"Anong sabi mo?"  mataray kong tanong sa kanya. "A-ah, s-si Sha-shawn da-daw ma-may gf na" nauutal niya 'tong sinabi. Syempre nagpaka-cool ako pero deep inside masakit sa akin. Syempre taong mahal mo may karelasyon na, hindi ka ba masasaktan?

Tuluy-tuloy akong pumasok ng room pagkapasok ko.............

"Shawn! May girlfriend ka na daw? Sino?" tanong ni Carlo . Magkaklase kasi kami ni Shawn simula ng grade 3 hanggang ngayong 3rd year highschool. 

"Ah, magi---" hindi niya na natuloy yung sinasabi niya dahil nagbell na. Magi pala yung pangalan ng girl. Buti pa siya mahal ni Shawn.

After 5 days......

"Ma'am nandito na tayo" sabi sa akin ng driver ko. Dating gawi, dirediretso akong lumabas ng sasakyan. Papasok pa lang akong gate marami ng nagkukumpulang estudyante. May nakita akong banner na nakasabit sa Big Quadrangle namin, hindi ko siya masyadong makita dahil maraming estudyante eh. May nakasulat na words na "magi--" tsaka "girlfriend".

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang sakit, sobrang sakit. Ang sweet nitong si Shawn, hindi pa man nag-iisang linggo may sorpresa na siya agad kay Magi. Si Magi nakatayo dun malapit sa banner ang lapad ng ngiti katabi niya si Shawn nung nakita ako ni Shawn agad niya akong nilapitan.

"Sophia, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Shawn, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Tumakbo na ako papalayo at agad sumakay sa sasakyan ko. "Driver, uwi na tayo" agad naman akong sinunod ng driver ko.

Bakit ganun? Lahat ng bagay nakukuha ko, kahit nga hindi ko pinapabili sa parents ko eh makakamtan ko. Samantalang ang taong mahal ko hindi ko makuha? Dumating na kami sa bahay at pumunta ako sa room, nilock ko kaagad yung door at umiyak sa kama ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

"I don't want another pretty face...." nagising na lang ako bigla ng may naririnig akong tumutugtog sa labas ng bahay ko. Nakita ko si Shawn na kumakanta kasama pa yung iba naming kaklase nasa labas ng bahay ko. 

Bumaba ako tapos lumabas ng bahay. SHOCKS! Nakalimutan kong hindi pala ako nagpalit ng uniform tapos mugto na siguro ang mata ko dahil sa kakaiyak. Nakakahiya naman, nakita nila akong ganito.

"Shawn, bakit kayo nandito?"

"Bigla ka kasing umalis kanina eh, hindi mo man lang nakita 'to"

"Anong hindi ko nakita?"

"Heto oh" sabay pinakita niya yung banner na nakita ko kaninang nakasabit sa Big Quadrangle.

OH MY GOSH!

Sophia Taylor Pwede Ba Kitang MAGING GIRLFRIEND?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

First one shot story ni Ms. Al! Support niyo naman oh :) Dedicated to zhellsalalila17. Read niyo po story niya, maganda tsaka nakakakilig ^____^

Ashford Academy's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon