Don't worry the feeling is mutual

423 13 2
                                    

Dedicated kay silentsnow! Miss na kita Yuki!  Sana hindi tayo patayin ng school natin noh? Hahaha

I'm Carla Reyes.

-3rd year highschool

-active in both academics and extra-curricular activities

-your average school girl

Hindi ako ganun ka grade-conscious katulad ng  ibang aspiring honors. Basta ako pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko at the same time ineenjoy ko ang highschool life ko.

"Huy, tabatchoy nakatunganga ka na naman diyan! Iniisip mo ako noh?" sabi ni Carlo. 

[Al's note: Kung natatandaan niyo po, si Carlo ay lumabas na ng chapter 1: Spoiled Brat. Siya yung nagtanong kay Shawn kung may girlfriend na siya. Ring a bell? Magkakaklase kasi sila eh]

Haay! Nagmayabang na naman 'tong lalaking 'to. Nakakainis! Bakit pa kasi siya sinali sa barkada eh!

"Anong tabatchoy diyang pinagsasabi mo ha bakulaw ka?! Hindi ako tabatchoy medyo chubby lang. Tsaka bakit naman kita iisipin? Baka pag-inisip kita bangungutin pa ako"

"Sus, deny pa! Alam ko namang attracted ka sa akin"

"Ako? Attracted sa 'yo? Walang taong maaatract sa 'yo noh! At sorry dahil tao ako" Pagsisinungaling ko, sa totoo lang may gusto ako sa kanya kaso nga lang hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Alam ko namang iiwasan niya ako pagnalaman niya eh.

"Grabe ka namang magsalita! Papatunayan ko sa iyong may maiinlove din sa akin" sabi niya sabay walk-out.

The day after that.....

"Aiko, nakita mo ba si Carlo" tanong ko sa isa kong kabarkada

"Hindi muna daw siya sasabay sa atin eh. Miss mo na noh?"

"Hi-hindi ah! Bakit ko naman siya mamimiss?"

"Bakit mo ba mamimiss ang isang tao?"

"Aba malay ko!" sabay kagat ko sa sandwich ko. Lunch na kasi eh at lagi naman sumasabay yun pagnaglulunch

After few minutes......

"Hi baby doll!" narinig kong sigaw ni Carlo sa isang babae. Lumapit agad si Carlo sa kanya at niyakap siya. Grabe, ouch lang ha. Hindi na siya nahiya niyakap niya pa yung babae sa buong student body.

"Aalis muna ako ha, papahangin lang ako" sabi ko sa mga kabarkada ko.

Pumunta ako sa garden at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Inis na inis ako sa iyo Carlo! Galit na galit  ako sa 'yo!" paulit-ulit kong sinagaw yan at nagulat na lang ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Ano bang ginawa ko sa 'yo Carla? Don't worry the feeling is mutual, inis na inis at galit na galit din ako sa 'yo. Simula ngayon hindi na kita kakausapin para naman mabawasan ang pinoproblema mo sa buhay." sabi niya na halata sa mukha niya ang galit at inis.

After 3 days.....

"Carla, anong nangyari kay Carlo? Bakit hindi na siya sumasabay sa atin?" tanong ng isa sa mga kabarkada ko.

"Hindi ko alam eh" sabi ko pero alam ko kung ano ang dahilan. Simula ng sinabi niya sa akin yun hindi niya na talaga ako kinausap, hindi niya na rin ako inaasar at hindi niya na rin ako tinitignan. Pagnagkikita kami parang hindi niya talaga ako kilala. Lagi niya ring kasama yung babaeng tinatawag niyang baby doll, close na close nga sila eh.

Siguro nga oras na para mag-move on. 10 years na ng niloloko ko ang sarili ko, 10 years ko ng iniisip na posible niya akong magustuhan at 10 years na akong nagpapakatanga. Siguro nga it's time for a change.

Pagkatapos ng araw na yun, minsan na lang akong sumama sa mga kabarkada ko. Minsan na lang din ako pumasok sa klase. Inengage ko ang sarili ko sa mga sports activities at lagi na lang akong pulled out sa mga klase. 7-9 naglalaro kaming volleyball, 9-11 basketball, 11-12 break time, 12-5 naglalaro ako ng lawn tennis. Hindi na ako binibigyan ng mga assignments ang swerte ko nga.

After 1 week........

Nasa bedroom ako. 2 hrs na ang nakalipas pagkatapos kong magpractice. Nakakapagod talaga, ako lang ang nasa bahay. Ang parents ko nag-out of town, ang kapatid ko naman nagretreat sa Baguio.

Knock  knock

Teka sino yung kumakatok? Hmmm. Binuksan ko ang pinto at.....

"Teka, anong ginagawa mo?" sabi ko dahil niyakap niya ako

"Hindi ko na kayang mawalay sa iyo, nalulungkot ako pag hindi kita nakikita. Bumalik ka na sa akin please?"

"Pero di ba ikaw ang unang bumitaw? May girl friend ka na nga eh" sabi ko na medyo maiyak-iyak na

"Hindi ako bumitaw, binigyan lang kita na kaunting space. Tsaka wala akong girl friend..."

"Wag mo na nga ikaila yung baby doll mo"

Bigla niyang tinangal yung pagkakayakap niya sa akin......

"Wag mong sabihing nagseselos ka?" sabay tawa niya

"Ano ngayon kung nagseselos ako" sabi ko habang nakatungo nahihiya kasi ako eh

"Wag kang magselos, pinsan ko yun eh"

"A-ano?!"

"Pinsan ko yun"

"Nakakainis ka talaga" sabi ko ng pabiro, this is another way of telling him that I love him

"Don't worry the feeling is mutual" :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Korny much ni Ms. Al noh?

Ashford Academy's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon