Meeting an unusual boy

288 7 2
                                    

"Imoto, look oh! May nareceive uli akong otaku stuff! "  sabi sa akin ni Ane  Una. Imoto means younger sister and ane means elder sister sa Japanese. Hindi kami Hapon pero dahil mahilig kami sa anime, inaadopt namin yung mga simple practices nila.

"Ane, alam ko ng marami kang narerecieve na otaku stuff mula sa secret admirer mo, pwedeng 'wag ka ng mag-inggit?" sabi ko kay Ane

"Asus, maghanap ka kasi ng sweet boy para sa 'yo. Pero 'wag munang masyadong seryosohin bata ka pa" paalala sa akin ni Ane

Bakit kaya ganun? Mahigpit sa akin si Ane, lagi niya akong inaaway. Sabi niya yun yung way para maipakita niya yung pagmamahal niya sa akin. Sigh, hindi ko siya maintindihan.

"Ma! Kayong dalawa na ni  Larrah muna ang sabay magsimba bukas. Sabay na kami ni  Uno " paalam ni Ane Una kay Mommy

"Sige, mag-inggat kayo ha" sabay wink ni Mommy sa akin. Inaasar kasi namin parehas ni Mommy si Ane eh

"Matutulog na nga lang ako! Nag-uumpisa na naman kayo eh" sabi ni Ane sabay higa sa futon niya.

[Yung futon po is para siyang banig pero kulay white siya at malambot siya, yun po yung kama na ginagamit ng mga hapon pero foldable]

"Larrah matulog ka na rin," bilin sa akin ni Mommy

"Oyasumi nasai!" sigaw naming dalawa ni Ane kay Mommy. Oyasumi nasai means good night.

Next morning........

Sa SM kami magsisimba ni Mommy. Oo, may misa sa SM tuwing Sunday bago magbukas ang mall. Mas gusto dun ni mommy kasi as bago raw ang ostya dun eh.

Pagkaupo namin sa napiling chairs ni Mommy, may napansin akong isang bag na katabi ko. Well, okay lang. Baka babae naman yung katabi ko.

Nag-umpisa na akong kausapin si Bro, sinabi ko sa kanya lahat ng aking pasasalamat at mga hiling. Mga hiling para sa akin, para sa pamilya namin, para sa mga nangangailangan. Syempre huminggi rin ako ng tawad sa mga kasalanan ko noh!

Ashford Academy's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon