HINDI ITO ANG KATAPUSAN

12 0 0
                                    


   Laging sumasagi  sa aking isip ang ilang tanong mula sa nakaraan
  Mahal bakit parang ikaw ay nakalimot na at tinalukaran ang ating nagdaan ??
  Hindi ko lubos maisip kung paano mo tinapos ang masaya nating sinimulan
  Tinanong kita at pinilit  pero bakit hindi mo ko binigyan ng dahilan ?
  Nagmakaawa sayo noon pero ang tanging sagot mo ay bakit kita babalikan ??
   Mahal bakit nga ba ?? Hindi ba naging sapat ang ilang taon nating pinagsamahan ??
   Anong klaseng tanong yan eh hindi mo nga dapat ako iniwan,
   Sapat na bang ipaalala ko sa ang pangako mong panghabuhay nating  pagmamahalan ??
  Pero sa tingin ko ay wala na! Wala na talagang pagasa na akoy iyong pagbigyan
   Mahal malinaw na sakin ang lahat , lahat ng nakikita kong ngiti
   Ang lahat ng sayang dulot ng sa tingin ko ay saakiy paglisan 
   Mga tuwang iba ang dahilan pero napakasarap pading pagmasdan
   Oo mahal  ! lagi kitang pinagmamasdan mula sa di kalayuan ay lagi kang tinitingnan
    Nakangiti at nagsasaya kasama ng hindi ko inaasahang dahilan
    Sya pala mahal ?? Sya pala ang sa pangarap moy katuparan ?
    Bakit ang sabi mo nuon pangarap lang kaya akoy iniwan??
    Hindi sumagi sa isip ko na sya pala ang pangarap na gusto mong makamtan
   "Bakit kita babalikan eh hindi naman ito ang katapusan?"
    Isang tanong mula sayo na hindi ko kinalimutan
    Hindi nga ba ito ang katapusan ??
    Kung hindi bakit mo ipinagpatuloy sa iba ang ating pagmamahalan ??
   Mahal sa tingin ko nagkamali ka saiyong kasagutan ..
   Wala ng babalik pa dahil sa iba na ipinagpatuloy ang hindi katapusan
   Ngayon alam ko na , nahanap ko na mahal ang sagot sa katanungan
   Hindi ako ang katapusan ng kwentong ating sinimulan
   Ang tanging sagot pala sakin ay ang "bakit kita babalikan" ??
   At sa  tingin ko sa kanya naman ang "hindi ito ang katapusan"

Ang Makatang Si Aling Celina Where stories live. Discover now