ORASAN

7 1 0
                                    


Ako ay parang ang iyong relo
Orasan na nakikita mo lang pag kelangan mo ng oras
Naalala mo lang pag naiinip kana at gusto mo ng tumakas
Tumakas sa paulit ulit mong ginagawa
O kapag hindi kana makapakapghintay na itoy matapos pa
Isa akong walang kwentang orasan
Orasan na sagabal lang kapag nalilibang
Ni hindi mapansin lalo na kapag masaya
Ayaw talagang pagtuunan  dahil magiging abala pa
Ikaw naman ay parang oras
Oras na mahalaga at hindi dapat sinasayang
Bawat minuto mo ginagawa kong makabuluhan
Walang segundo ang sadyang pinapalagpas
Para ka nga talagang oras
Oras na  para sa kanya'y maliit na bagay
Napapansin pero hindi matrato ng maayos
Hindi nya binabalewa pero hindi din ganon kahalaga
Sya naman ang nagsisilbing baterya sa ating dalawa
Bateryang nagsisilbing buhay mo..
Ayaw ko mawala sya dahil mawawala ka din
Dahil sa kanya nanatili kang andyan
Ikaw ang sa tingin koy buhay ko
Kapag nawala ka lalo na akong nawalan ng saysay
Bakit hindi pwedeng wala na lang sya ??
Bakit kasi sya ang pinkamahalaga??
Bakit kasi hindi pwedeng tayo na lang dalawa??
Ayaw kong mawala ka , ayaw mong mawala sya
Kaya sige para lang manatili ka
Titiisin ko na lang na andiyan sya
Para lang makasama ka
Hahayaan ko ng maging masaya ka sa kanya

Ang Makatang Si Aling Celina Where stories live. Discover now