NAGMAMAHAL : Iyong Kaibigan

7 1 0
                                    

Hindi ko maisip kung paano sisimulan ang tulang ito
Hindi ko alam kasi kayo  ang nilalaman nito
Sobrang daming alaala pero walang maisip ni isa
Walang ng maisip dahil naguguluhan na ng sobra
Sisimulan na , pero emosyon ay biglang nagiiba
Tampo, galit, inis, sakit at panghihinayang ang biglang nadarama
Lahat ay nagbago at nagiwan ito sa akin pagtataka
Wag sanang magalit kung may masasabing masakit na salita
Pero bakit nagkatrabaho lang kayoy biglang nagbago na ?
Pangakong kaibigan hanggang alaala na nga lang pala
Planong walang limutan , bakit tila nakalimot na
Salitang pangako naging drawing na din talaga
Bakit ganon ?? Wala pang isang taon pero parang di na magkakakilala
Pinaghiwahiwalay lang ng panahon pero tila hindi na makaalala
Naiintindihan naman dahil alam kong laging abala
Pero ano ba naman , yung isang text o chat na "bess kumusta na?"
O yung paanyayang sanay magkita pa ..
Nasaan na ang walang limutan ??
Nasaan na ang sa problemay walang iwanan ??
Nasaan na ang matagal na pinagsamahan ??
Nasaan na ?? Ang lahat ay itinapon at parang walang lang halaga
Pero bago ko tapusin ang tulang saatiy nagpapaalala
Ilang payo lang na inyong tandaan sana
Una .. Pakatandaang hindi ka nagiisa
Lumingon sa nakaraan at makikita kung sinong ang mga nagpapahalaga 
Sa matagal na panahon ay naging sandalan at nakasama
Pangalawa.. Maging matatag sa lahat ng problema
wag magpatalo sa hamon ng buhay dahil lahat ay makakaya
At kung sakaling suko na andito pa rin ako para damayan ka
Pangatlo at panghuli .. Wag tuluyang makalimot at makaalala sana
Andito ako bilang isang kaibigan mula sa nakaraan Sayoy  naghihntay at umaasa
Ipapaalala lang kung akoy limot na
Ako yung taong  minsang sayoy naging mahalaga 

Ang Makatang Si Aling Celina Where stories live. Discover now