"Iha.." tawag ni Minerva sakanyang anak habang kinakatok ang pinto ng kwarto nito.
Napamulat si Coleen dahil sa narinig na tawag at katok sa pinto. Nagpalingalinga siya..pagtingin niya sa orasan na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto ay napagtanto niyang umaga na pala. Humikab siya at nag unat ng kamay at bumaling sa pinto. Inayos niya ang kanyang matigas na kama at lumabas na ng kwarto, dumeretso siya sa kusina na kung saan alam niyang nagluluto na ang kanyang ina.
"Oh, hindi ka man lang ba magmumumog at maghuhugas ng mukha?" nang sundan niya ang anak na naupo at nakapangalumbaba sa kahoy nilang mesa.
"Kung magmumumog ba ako inay gaganda ba ako? kung maghuhugas ba ako ng mukha ay may magbabago kaya sa itsura ko?" iiling iling si Minerva sa tinuran ng kanyang nag iisang anak at nag iisang mahal sa buhay. Ngunit biglang nagtaas ng kilay ng biglang ngumiti ang kanyang anak.
"Oh? anong nginingiti ngiti mo diyan? nababaliw ka na ba?" sumulyap sakanya ang kanyang anak.
"Nay.. nanaginip ako." eto nanaman tayo iniisip ni Minerva, lagi kasing nagkukwento ang kanyang anak ng mga panaginip niya, na hinalikan daw siya ng isang gwapong lalaki, na isang araw may napulot siyang bote at paglagok niya ay gumanda siya..
"Ano nanaman iyon?" tanong niya.
"May napulot akong mapa tapos sinundan ko yung nakasulat doon, tapos nakarating ako sa isang kweba.. pagpasok ko napakaraming ginto, at dahil dun yumaman tayo, pumunta tayo sa America nagparetoke ako at gumanda.." bago pa man maikwento ng anak ang buong panaginip napahalakhak na si Minerva, napatingin naman sakanya ang kanyang anak at saka sumimangot.
"Bakit?" nakangusong sabi nito.
"Nagpunta tayo ng America at nagparetoke ka? puro ka talaga kalokohan.. sinabi ko na sayo Coleen, hindi itsura ang kailangan mong intindihin.."
"Kailangan ang puso lagi at utak ang paganahin, basta wala kang natatapakang tao at walang mali sa ugali mo may taong lalapit at magmamahal sayo ng totoo.. hindi dahil sa maganda mong pisikal na anyo kundi ang magandang kalooban mo." pinagpatuloy ni Coleen ang linya ng kanyang Inay na laging pinapaala sakanya. Ngumiti naman ang kanyang Inay.
Inilapag ni Minerva ang sinangag at tuyo na kadalasang ulam nilang mag ina "Kumain ka na nga..unang araw ngayon ng klase niyo, naku dalaga na anak ko! 2nd year ka na anak!" natutuwang bulalas niya, ngumiti rin si Coleen na mas lalo pang ikinatuwa ni Minerva.
Pagkatapos kumain ni Coleen ay nagligpit na siya ng pinagkainan at saka ito hinugasan. Naligo na siya pagkatapos ng gawain niya sa bahay.
Nang isinuot niya ang kanyang uniporme, pinasadahan siya ng tingin ng kaniyang Inay, tinulungan rin siya nito na ayusin ang kaniyang makapal na buhok.
Alas sais y medya na ng magpaalam siya sa kanyang Inay hinalikan niya ito sa pisngi bago umalis at nagsimulang maglakad palayo, may kalayuan ang kanyang paaralan ngunit hindi alintana sakanya ito, ayaw niyang magtricycle kasi sayang daw ang pamasahe nito kahit kinukulit siya ng kanyang Inay.
Likas na mabait at malambing si Coleen sa kanyang Inay, ganun din naman ang kanyang Inay sakanya, malapit na malapit ang dalawa. Nag iisa siyang anak ni Minerva at lumaki siyang walang tatay, kaya simula pa noon silang dalawa nalang talaga ang magkasangga sa buhay.
Mahirap lang sila, namamasukan bilang labandera si Minerva sa isang mayaman na nakatira di kalayuan sa inuupahan nilang mag ina.
Napabuntong hininga si Coleen nang makarating siya sa kanyang paaralan, isa itong pribadong paaralan, at karamihan sa mga nag aaral dito ay may kaya sa buhay. Nakapasok lang siya dito dahil nakapagtapos siya bilang Valedictorian noong elementary siya. Nakakuha siya ng Scholarship dito.
"Omg look who's here!" narinig kaagad niya ang mga kaklase niya, tumingin siya sa paligid at pamilyar siya sa mga mukhang nakatingin sakanya, sila rin kasi ang mga kaklase niya noong first year siya.
Naalala pa niya ng unang sampa niya sa paaralang ito. Nilalayuan siya dati ng mga kamag aral kasi mukha daw siyang mangkukulam. Umiyak siya noon hindi sa harapan ng kanyang mga kaklase kundi sa harapan ng kanyang Inay na lagi niyang sinasabihan ng problema. Pinayuhan siya ng kanyang Inay na mag aral ng mabuti at wag nalang pansinin ang mga kamag aral.
Naging centro siya ng katatawanan, ang dami naring naging tawag sakanya, Panget, Mangkukulam, Aswang at marami pang masasakit na salita. Medyo humupa lang nang magpakitang gilas siya sa katalinuhan, may mga nagpapaturo narin sakanya, kumokopya at mangilan ngilang kumaibigan.. kahit alam niya ang tunay na pakay ng mga ito..na kinaibigan lang siya dahil matalino siya. Nasanay nalang din siya ng tumagal tagal siya sa paaralan.
"Oh miss, ayaw mo pa bang umupo?" nagulat siya dahil napagtanto niyang siya nalang ang nakatayo, nakaupo na ang kanyang mga kaklase at pinagtatawanan siya, narito na pala ang kanilang guro, namula siya sa pagkakapahiya. Ibinaling niya ang paningin sa paligid at naghanap ng bakanteng upuan. Naglakad siya patungo sa harap kung saan may isang upuang hindi pa naookupa.
Nang makaupo siya binalingan niya ang kaniyang katabi, si John kaklase niya rin nung first year, isang gwapong lalaki kaso ng tumingin sakanya ito palihim siya nitong pinagtawanan. Hindi nalang niya ito pinansin at nagfocus sa teacher nilang abala ngayon sa pagbubuklat ng kanyang bag.
"Okay class.. Unang araw ngayon ng klase, kaya alam niyo naman na siguro ang unang gagawin natin ngayon." Pag uumpisa ni Annie sa kanyang klase. Napabuntong hininga naman si Coleen dahil alam na niya ang mangyayari, magpapakilala nga muna pala sila isa isa sa harapan. Ayaw na ayaw niya iyon dahil lantaran niyang nakikita ang mga mga kaklase na pinagtatawanan siya. Well..simula pa kasi elementary siya ay ganun na ang nangyayari dapat nga sanay na siya.
BINABASA MO ANG
Ugly to Beauty
ChickLitIniinsulto, Kinukutya at higit sa lahat, Centro ng katuwaan. Yan ang buhay ni Coleen Marquez, ngunit sa kabila ng lahat, naging matapang siya sa buhay at ipinangako sa sarili na hindi susuko, dahil alam niyang darating din ang araw na sakanya aayon...