"Malalim ata iniisip mo ah. Anong problema?" tanong ni Minerva sa kaniyang anak. Habang kumakain sila ng hapunan ay hindi maiwasan ni Coleen ang mapaisip kung ano ang kadahilanan ng pag iiba ng ugali ng kaniyang dating kaibigan.Nagpakawala siya ng malalim na hininga at bumaling sa kaniyang Ina. "Nay, sa tingin mo mabilis bang magbago ang ugali? Ibig kong sabihin, imposible kaya yun? na magbabago ugali ng isang tao? diba nagbabago lang ang ugali kapag may nangyari? hindi kaya may nangyaring hindi maganda kay Aries kaya nagbago ugali niya? ano sa tingin niyo Nay?"
"Siguro..pwedeng hinde, pwedeng nagkataon lang, teka bakit ka ba interesadong interesado sa boss mo. Hayaan mo lang siyang magsungit, kung hindi mo na makayanan edi tanungin mo siya."
"Eh Nay ginawa ko na iyon, kaso sinungitan niya lang din ako."
"Talaga? abay napakasungit naman talaga niya kung ganoon. Aba. Hayaan mo siya, wag mo ng pakelaman."
"Pero Nay, may isa pa akong tanong..pwede na ba akong magkanobyo?" seryosong tanong ni Coleen sa kaniyang Ina. Halos magkanda ubo ubo naman si Minerva sa tanong ng kaniyang anak.
"Oh Nay, okay ka lang?" tumayo ito at kumuha ng tubig.
"Bakit, may nanliligaw sayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Minerva.
"Ahhhh. Hindi kayo makapaniwala?"
"Ano itsura? Saan nagtatrabaho? taga saan? ano pangalan?" sunod sunod na tanong nito.
"Gwapo, matangkad, matangos ilong, parang modelo Nay, pwedeng pwedeng maging fafa babes ko. Same building Nay, dun din sa kumpanya ni Aries magkaiba nga lang kami ng departamento. Ahmm hindi ko alam kung taga saan Nay eh, Fin ang pangalan niya."
"Sus, yang kinang ng mata mo hindi paawat, hindi mo pa pala kilala ng lubusan eh. Fin. Ano apelido?" kibit balikat ang sagot ni Coleen. "Kita mo na, ni hindi mo alam apelido."
"Don't worry mom, I'm going to ask Fin tomorrow." maarteng sabi nito at ngumiti ng malapad.
"Aba Coleen tigilan mo ako sa kaartehan mo, pinoy tayo hindi mo kailangang mag ingles. Naku kaartehan mong bata ka."
"Kunin ko narin po ba number niya Nay? ano sa tingin mo?"
"Oo, magpabuntis ka narin. O siya maiwan na kita, ipagpapatuloy ko pa yung pagtutupi, ikaw na maghugas ha Coleen? O siya. Sakit ng balakang ko kanina, magsquat ako mamaya bago matulog yun daw ginagawa ni Ureng..." hindi na narinig pa ng dalaga ang sinasabi ng kaniyang Ina dahil nagtuloy na ito sa kwarto, nailing nalang siya at nagligpit ng kinainan nila.
Nang matapos niyang maghugas at maglinis ng kusina ay agad na nagtungo si Coleen sa kwarto niya. Naupo siya sa kama niya ngunit ang buong atensyon niya ay nasa isang maliit na kahon na nakapatong sa cabinet niya.
Nilapitan niya ito at saka dahan dahang binuksan.
Bago pa sa isip niya ang panahong ibinigay ito ni Aries sakanya. Ang sabi pa nga nito ay sisingilin siya kapag nagkita sila dahil wala siyang maibigay na kapalit sa regalo nito.
Kinuha niya ang kumikinang na white gold necklace na may pendant na hugis puso. Hindi niya ito isinusuot dahil hindi naman siya mahilig magsuot ng mga mamahaling gamit lalo na ang alahas na katulad nito.
Napabuntong hininga siya. Lalo lang sigurong hindi niya ito maisusuot gayong hindi naman na sila malapit na magkaibigan ng nagbigay nito. Kahit pa ba nagkita ng muli sila.
Ibinalik ni Coleen ang kwintas at kinuha ang letter na nakapaloob sa kahon.
Col!
Hey wag kang iiyak ha? alam kong nalulungkot ka dahil aalis na ang pogi mong kaibigan. Wala na tuloy manlilibre sayo. Tsk. Pano ba yan.. Sana sa susunod na magkita man tayo ikaw naman manlibre. Malamang sa malamang successful kana kapag nagkita na muli tayo. Hindi ako sanay magsulat ng ganito, ayan shit wala ng space.
PS. pag nagkita tayong muli may sasabihin pa ako sayo. Kaya ingat ka.See you soon!
AriesNapangiti si Coleen habang binabasa ito. Ano kaya magiging reaksyoj ni Aries kapag nakita niyang suot niya ang bigay nito sakanya. Naaalala pa kaya niya ito?
Baka hindi na. naisip ni Coleen.
BINABASA MO ANG
Ugly to Beauty
ChickLitIniinsulto, Kinukutya at higit sa lahat, Centro ng katuwaan. Yan ang buhay ni Coleen Marquez, ngunit sa kabila ng lahat, naging matapang siya sa buhay at ipinangako sa sarili na hindi susuko, dahil alam niyang darating din ang araw na sakanya aayon...