Magkahawak kamay si Kitty at Aries papasok sa mall, siya naman ay nasa likuran lang ng mga ito at tahimik na sumusunod. Panay ang sulyap sakanya ni Kitty na para bang pinamumukha nito na kainggitan siya. Napabuntong hininga si Coleen. Malakas ata ito dahil napansin ni Aries."Oh Coleen, okay ka lang?" tanong nito.
"Ha? ahh okay lang sige lang." sabi niya. 'tuloy niyo lang paglalandi niyo' dugtong niya sa isip niya.
Nang maserve ang kanilang pagkain ay nagsubuan pa ang dalawa, pinilit niyang ituon ang atensyon niya sa pagkain niya. Nahihiya siya kasi nakatingin na ang ibang mga tao sa restaurant sakanila.
"Aray." sabi ni Coleen ng halikan ni Kitty ang binata sa pisngi. Sabay na napatingin ang mga ito sakanya.
"Ahh sorry, may langgam kasi, ang sweet niyo masyado may antik nadin sweet sweet niyo kasi." inirapan siya ni Kitty.
"Excuse me lang Aries at Kitty ha? cr lang ako." tumango lang si Aries, natuwa naman si Kitty dahil masosolo nya ang binata.
'Ang lalandi ng nga hinayupak, kakain ba kayo o maghahalikan nalang, di na nahiya nasa pampubliko silang lugar, hay nako.'
Nang bumalik si Coleen sa kinauupuan nila ay wala na ang dalawa, lumapit ang waiter sakanya ng magpalinga linga siya."Ma'am kayo po ba yung kasama ng mga nakaupo dito?" tumango si Coleen.
"Umalis napo sila, bayad narin po ang mga pagkain. Pinapasabi po nila na kumain nalang daw po kayo. Enjoy your meal ma'am" namangha si Coleen dahil kaya siyang iwan ng mga ito lalo na si Aries. Akmang aalis nadin siya pero sinulyapan niyang muli ang mga pagkaing naiwan.
"Ahmm excuse me, pakibalot nalang lahat yan, take out ko nalang lahat." sabi nito. "Sayang naman kasi pati narin yang tira sa plato nila..halos hindi naman nagalaw eh..oo..paki separate nalang din..thank you." nag antay siyang muli para sa pinabalot niya. Nang maibigay sakanya ay nagpasalamat siya at umalis na ng restaurant.
"Bwisit sinama sama pa ako..sayang pa tuloy pamasahe ko pauwi." inis na sambit niya saka nagkibit balikat.
"Pero okay lang at least may pagkain."
Nang makarating siya sakanilang bahay ay isinalin niya agad ang mga pagkain sa plato.
"Galit ka pa ba?" bulong ni Aries kay Coleen habang nagkaklase sila. Araw na ng lunes. Tinapunan niya lang ng tingin ang binata at nagbalik sa pakikinig, bumuntong hininga lang si Aries maya maya ay nakinig narin sa discussion.
Naglalakad na si Coleen pauwi ng akbayan siya ni Aries. Awtomatikong inalis nito ang pagkakaakbay ng binata sakanya.
"Uy, galit pa talaga to oh. Sorry na, hinila kasi ako ni Kitty nung nagcr ka, hindi na ako nakapalag kasi sabi niya mag eeskandalo siya sa restaurant kung hindi ako pumayag sa gusto niya, kilala mo naman yun gagawin niya talaga ang gusto niya, nagpunta kami sa cinema, nanood ng movie, alam mo yung Black Panther? yun yung pinanood namin." sinulyapan lang siya ni Coleen na patuloy parin sa paglalakad.
"Gusto mo ice cream?" tanong ulit ni Aries, saka lang tumigil si Coleen sa paglalakad. Napangiti naman si Aries.
"Sabi na eh, favorite mo ang ice cream kaya hindi ka makakatanggi. Ano tara?" ngiting sabi nito. Humarap sakanya si Coleen.
"Sorry, hindi kita pinapansin, alam ko napakachildish na ugali yun, kaso hindi ko naman mapigilan ang hindi magtampo, pinasama niyo ako tapos iiwan niyo lang din ako, kung ikaw ang nasa kalagayan ko malamang magtatampo ka rin. Kaso narealize ko lang yung isang bagay na laging nangyayari sa mga teleserye, sa mga pocketbooks, sa mga love stories..Si girl may crush kay boy kaso wala siyang lakas ng loob na magsabi ng nararamdaman niya, hanggang sa naging magkaibigan sila, tapos kinilig si girl, tapos may pumasok na isang babae sa eksena, mas lamang yung bagong girl sa lahat, sa itsura sa personalidad, tapos naging sila nung bagong girl at nung boy, sa eksena nagalit si girl at nawalan ng pag asa sa buhay, sa ibang teleserye naghihiganti yung girl, o kaya naman nagpapaganda siya, o kaya naman ipinapangako niya na hindi na magkakalove life kasi nasaktan na siya. Yun yung narealize ko." mahabang salaysay nito. Nang balingan niya si Aries nakamaang lang ito na parang naguguluhan.
BINABASA MO ANG
Ugly to Beauty
ChickLitIniinsulto, Kinukutya at higit sa lahat, Centro ng katuwaan. Yan ang buhay ni Coleen Marquez, ngunit sa kabila ng lahat, naging matapang siya sa buhay at ipinangako sa sarili na hindi susuko, dahil alam niyang darating din ang araw na sakanya aayon...