Chapter 14

310 15 2
                                    


"Goodmorning Aries." bati ni Coleen ng makarating siya sa opisina ng lalaki.
Hindi umangat ang mukha ng binata at nakatuon parin ang atensyon nito sa kaniyang laptop ng magsalita.

"Pumunta ka sa HR department hanapin mo si Una at kunin mo ang uniporme mo. Bumalik ka rito agad pagkatapos." utos nito. "Alam mo ba ang posisyon mo rito?"

"Nasabi ng head ng HR na sekretarya mo ako kaya—"

"Exactly, secretary ka boss ako malaki ang kaibahan nun ms. Marquez. Sir ang itawag mo saakin simula ngayon. Matuto kang rumespeto." awtomatikong napanganga at namula si Coleen. Napahiya siya sa pagiging friendly niya sa lalaki.

Mabagal niyang nilakad ang papunta sa HR department na matatapuan sa ikatlong bahagi ng building. Nagtataka siya sa inaakto ng lalaki, oo nga at nawalan sila ng communication ng lalaki sa nakalipas na mga taon pero bakit kasing lamig ng yelo ang pakikitungo nito sakanya.

Nang makarating siya sa pakay niyang puntahan ay hinanap niya kaagad ang nagngangalang Una. Nang matagpuan niya ito ay agad niyang sinabi ang pakay, limang minuto siyang nag antay sa departamento bago makuha ang kanyang uniporme.

Huminga muna ng malalim si Coleen bago pumasok sa opisina ng kaniyang boss.

Tumikhim siya bago magsalita. "Nakuha ko na po ang uniporme ko sir." nakayuko niyang sabi.

"Gamitin mo yan bukas, nasabi naman na siguro sayo ni Una kung anong sapatos ang nararapat na suotin mo. Encode mo to at isend mo sa email na nariyan sa baba, pagkatapos ay basahin mo lahat ng papel na nariyan." turo nito sa isang mesa sa gilid may desktop rito at puno ng mga dokumento sa ibabaw ng mesa. "Magsimula ka na." utos nito.

Agad na tumalima si Coleen. Paminsan minsan niyang sinusulyapan ang lalaki na abala sa pagbabasa, pagpirma at pagtipa sa kaniyang laptop. Hindi maiwasan ng dalaga na maisip kung anong nangyari sa isang palatawa at palangiting lalaking naging kaibigan niya. Nagkatuluyan kaya sila ni Kitty? kamusta na kaya ang lola niya?

"Aalis ako saglit, hindi mo na kailangang sumama at may importante akong lakad. Tapusin mong basahin ang lahat ng iyan ngayon araw." walang kaemo emosyong utos ng binata kay Coleen.

Tumayo si Coleen at tumango. Bumuntong hininga siya ng makaalis ang lalaki. Hindi siya sanay sa ugali ng dating kaibigan.

"Hello Nay." matamlay na sabi ni Coleen ng makauwi ito sa kanilang bahay.

Lumapit ang kaniyang Ina at tumawa.
"Oh, nasungitan ka nanaman ba ng boss mo?" tanong ng kaniyang Ina. tumango ang dalaga at matamlay na umupo sakanilang upuan sa sala.

"Alam mo Nay ang laki ng ipinagbago niya." tumabi sakanya ang kaniyang Ina.

"Ikaw rin naman. Gusto mo kunin ko yung picture mo noong bata ka?" pabirong inirapan niya ang kaniyang Ina.

"Totoo Nay, sabi niya. Sekratarya ka boss ako marunong kang rumespeto tawagin mo akong sir. Tama ba yun? namula kaya ako Nay, ay nga pala, may uniporme na ako, tignan mo Nay oh."

"Feeling close ka kasi napahiya ka tuloy." biro ni Minerva.

Ikinatuwa kahit papaano ni Coleen ang pakikipag usap niya sa kaniyang Ina. Araw araw siyang nagpapasalamat sa maykapal na kahit mahirap lang sila mabait at maalaga naman ang kaniyang Ina.

Habang patagal ng patagal nasasanay na si Coleen sa ugali ng kaniyang boss. Sa mga araw na nakasama niya ito, napansin niyang mabilis itong magalit, ni minsan hindi niya ito makitang ngumiti, konting pagkakamali ay nasisigawan siya nito.

"Sir may meeting po kayo with Mr. Samuel Sampson mamayang alas tres. Eto na po yung pinaayos niyong folder. Eto naman po yung report ni Ms. Ling sa may Finance department." inabot nito ang dalawang folder pero hindi ito inabot ng binata abala ito sa laptop, kaya napabuntong hininga nalang siya at inilapag ito sa mesa ng lalaki.

Oras na para magtanghalian, walang baon si Coleen kaya nagpasya siyang sa baba nalang magtanghalian. May murang restaurant malapit sa building nila. Mainit kaya dinala niya ang payong niya.

Beefsteak ang inorder niya at gaya ng nakasanayan niya umupo siya malapit sa pinto ng restaurant. Tahimik siyang nananghalian pero nabigla siya ng may nakisalo sa kanyang lalaki. Inilibot niya ang paningin niya sa restaurant at nagtaka siya dahil marami namang bakanteng upuan. Binalingan niyang muli ang lalaki. Nahigit niya ang kaniyang hininga ng matitigan ito. Gwapo ang lalaki, mukha itong modelo na nakikita niya sa mga cover ng magazine. Lumapad ang ngiti ng lalaki dahil napansin nitong nakatitig ang dalaga sakanya.

Tumikhim si Coleen at itinuon ang atensyon sa kaniyang kinakain, umangat  bahagya ang paningin ng dalaga at napatingin ito sa dibdib ng lalaki, bumilog ang kaniyang mata ng makita ang ID ng lalaki, katulad ng sakanya pero kulay asul ang background ng picture nito ibig sabihin ay sa marketing department ito ng kaparehong kumpanya.

"Yes. Tama ka ng iniisip, pareho tayo ng company na pinapasukan. I'm Fin." inilahad nito ang kaniyang kamay sa kaniya. Saglit na nag alangan si Coleen pero tinggap rin niya ito maya maya.

"Coleen." sagot niya. Naramdaman niya ang pagpisil ng lalaki sa kamay niya kaya binawi rin niya ang kamay niya dito.

"Finally nakilala na kita." makahulugang sabi nito.

"Ha?"

"Lagi kitang nakikita at nakakasabay sa elevator. Lagi kang nakayuko kaya siguro hindi mo ako namumukhaan. Kanina nagkasabay rin tayo, kaya kita sinundan, kakain rin kasi ako." nakangiting sabi nito.

Naiilang si Coleen sa paraan ng pagtitig nito, nasisilaw siya sa napakagandang ngiti ng lalaki.

"Nakakahiya naman, lagi tayong nagkakasabay pero hindi manlang kita mamukhaan. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sayo pero anong oras na kasi, um..kain na tayo Fin para makabalik na tayo sa kumpanya." hindi na niya napigilan ang pagngiti, nakakahawa ang malapad na pagkakangiti ng lalaki.

"Sure..Coleen." ngisi nito.

Ugly to BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon