Kabanata 33

126 7 0
                                    

S A P A T

Uumpisahan ko ang lahat,
Sa isang pinaka simpleng tanong,
Pero paano nyo ba sasagutin
Paano ba maging sapat?

Oo,
Hindi maganda
Walang katawang pangrampa
Walang sapat na talino para pantayan sya
Maraming kapintasan,
Kaya ba may rason ka para hindi pahalagahan?
Kaya ba kapag nakakita ka ng bago,
Ganon lang kadali manggago?
---
Pitong bilyong tao sa mundo,
Ang taong pinili mo
Sya ang mananakit ng sobra sayo.

Nag-umpisa tayo
Kung saan kayo natapos
Kung sa paano ka nya niloko
At pinalit sa lalaking may auto
Nakinig, nagmasaid, nabilib

Dahil sa dinami rami ng tao sa mundo
Nakatagpo ako ng katulad mo
Pero hindi ako katulad nya
Katulad ng babaeng minahal mo ng sobra
Hindi ako Yung pwedeng ipagmalaki
Yung pwede kahit san mo itabi
Yung babaeng minamahal ng nakakarami
Hindi ako katulad nya
Kase ako simple lang
Nagmamahal ng totoo
Walang intensyong panggago
Hindi ako katulad nya
----

Paulit ulit mong sinasabing Mahal kita
Pero Mahal sa bawat pahina ng buhay mo
Mas lamang sya sa kwento mo

Mahal, Pano ko tatalunin ang tatlong taon
Para sa tatlong buwan

Pano ko tatalunin ang nakaraan
Para lang sa masaya nating naranasan

Pano ko tatalunin yung babaeng minahal mo ng sobra
Para sa taong nagmahal sayo ngayon sobra.

Pano ko tatalunin yung lahat ng saya
Para sa taong madalang mong makasama

Tatanungin kita ulit
Mahal, Paano ba maging sapat?
----
Mahal, paano ba maging sapat?
Hindi ba sapat yung maglaan ka ng oras at atensyon?

Yung mahalin mo sya ng tapat, kahit kaya mo syang palitan ng apat.

Hindi ba sapat na andyan ka, kahit lumalayo na sya.

Hindi ba sapat na ngayon ako pumupuno ng pagkukulang nya

Hindi ba sapat na mahalin kita
Ng hindi mo naranasan sakanya?

Hindi ba sapat na kaya kitang patawarin kahit hindi ka humihingi ng tawad?

Hindi ba sapat na pilit akong kumakapit kahit paulit ulit mo akong gustong bitawan?
Bakit mo ko kailangan iwanan?
---

Mahal, Paano ba maging sapat?
Hindi distansya ang pumapatay sa relasyon kung hindi ikaw mismo,
Hindi selos ang makakasira sa relasyon
Kung hindi ikaw mismo
Hindi tampuhan ang makakapagpabago sa relasyon
Kung hindi ikaw mismo
Hindi tiwala ang makakabuo sa relasyon
Kung hindi ikaw mismo
Naniwala ako kaya ako nasaktan
Nagtiwala ako kaya ako nasaktan
Minahal kita kaya ako nasaktan

----
Mahal, Paano maging sapat?
Bakit napakadaya naman yata ng mundo
Hinabol mo sya nung lumayo sya at sumama sa iba
Nanatili ako sayo, pero hinayaan mo akong mawala sayo

Kinaya mong tapusin ang buhay mo para sakanya
Pero kinakaya mong maabuhay ngayon na wala ako

Kinaya mo syang balikan
Kahit niloloko ka lang nya
Mahal,
Kinaya mo para sakanya
Pwede ba mahal kahit ngayon lang kayanin mo din para sakin?

---
Oo mas lamang sya
Pero mahal maniwala ka
Kaya kong pantayan sya.

---
Ngayon wala ka ng pagkakaiba sakanya,
Kung iniwan ka nya para sa iba
Ngayon iniwan mo ako para din sakanya.

E R I C A  D E L  R O S A R I O

Bitter SweetWhere stories live. Discover now