Kabanata 36

94 5 0
                                    

"Ayoko na"
— spoken words poetry

Minahal kita ng sobra
Kahit na pinagmumukha mo akong tanga
Binigay ko lahat
Pero para sayo hindi pa rin ako sapat

Ayoko ng lumaban para sayo
Ayoko ng umasa sa tayo
Ayoko ng umasang babalik ka pa
Kasi sa bawat pagpikit ko,
Ikaw pinipintig nitong puso
Kahit sinasabi ng isip ko na tama na,
Hindi siya para sayo

Ayoko ng umiyak
Ayoko ng ipilit ang sarili ko sayo
Ayoko ng makipag siksikan d'yan sa puso mo
Ayoko ng kumurap, kasi sa bawat
Pagpikit ko mukha mo ang nakikita ko

Ayoko ng umasa na babalik ka pa
Kasi nakikita ko naman na masaya ka na
Ayoko ng makigulo pa

Ilang beses mo akong iniwan
Ilang beses din kitang tinanggap
Ilang beses din akong naging tanga
Ilang beses din akong nauto ng tadhana

Pwede ko na bang sabihin sa sarili ko na tama na?
Hindi ko na kaya?
Kasi hindi na ito ang tama.

Bitter SweetWhere stories live. Discover now