Kabanata 31

217 5 0
                                    

"TULANG WALANG PAMAGAT"

Mahal, Naaalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y masaya pa? Yung bawat ngiti sa kulitan nating dalawa na nakikita sa mapupungay nating mga mata Ito pa ba'y iyong naaalala? Dahil ako, oo kasi miss na kita Miss kita di dahil gusto kitang makita Kundi namimiss ko yung pagtrato mo sakin na para bang isang prinsesa Miss ko na Miss ko na dahil lahat nagbago na Mahal, may tayo nga pero parang wala Ano ba kasi ang dahilan kung bat parati kana lang wala? "Mahal, busy ako" Busy? busy sa iyong ipapalit? Ay mali, mali ako. Dahil meron ng pumalit, meron ng pumalit sa pwesto ko sayo.
Pero mali talaga eh. Mahal, maling mali. Kasi kung yan lang naman pala ang dahilan, ano pa nga ba ako? Isang TANGA na naghihintay ng oras at pagmamahal? Naghihintay sa taong wala namang pakialam sa'king nararamdaman? Sa sakit na aking dinaramdam? Ano? Ano ako sa mundo mo? Mundo mong parang walang ikaw at ako Mundo mong walang tayo Tayo na ako lang ang bumubuo Pagod na ako.
Pagod na 'ko sa lahat ng sakripisyong dinanas ko Sakripisyong ginawa ko na para sayo wala lang lahat ng ito Lahat ng sakit na nararamdaman ko Na mas lalong sumakit ng nalaman kong habang sinisigaw ko sa buong mundo na ikaw ang taong mahal ko, Isinisigaw mo naman sa kaparehong mundo ang pangalan ng taong mahal mo Na akala ko ay ako, Pero yung bagong nagpapatibok ng puso mo Minsan, naiisip ko na bat di ko magawang isuko? Isuko ang labang ito.
Kahit na durog na ang puso ko Durog na durog na sa pinanggagagawa mo? Pero mahal, alam kong alam mo Na nasasaktan na ako.
Kaya mas pipiling kong maging masaya ka sa piling nya Kahit kaakibat nito ay ang pagkadurog ng durog kong puso Dito ko tatapusin ang tulang ito Tulang hanggang ngayon, di ko lubos maisip kung ano ang pamagat Tulang parang isang librong nakapaloob ang ikaw at ako Pero sa mundo mo, walang nabuong tayo.

Bitter SweetWhere stories live. Discover now