Kabanata 37

116 4 0
                                    

Reverse Poetry

"Sa Araw Ng Pasko"

(Basahin Paibaba)

Malungkot ang pasko ko!
Hindi na
Tulad ng dati
Na sa akin
May nagmamahal
Malamig ang pasko ko
Dahil hindi na
Magiging Masaya
Ako ay
Mangungulila dahil
Hindi na
Kita
Kasama.

(basahin paitaas)




Sayo

(Reverse poetry)

(Pababa👇)

Totoong walang habang-buhay
Hindi
Patuloy na aasamin
Na makapiling ka niya
Gugustuhin
Na wala ka
Hindi kaya
Na makasama ka
Gugustuhin
Na mag-isa lang
Ayaw niya
Na makita ka araw-araw
Nanaisin niya
Ang 'wag ng magpakita pa
Ang 'wag ng magparamdam pa
Lilisanin ka nya ng walang paalam
Hindi
Ito ang mangyayari
Ang makakapiling mo siya habang buhay,
Ang mahal ka niya
'Pagkat ito ang totoo
Mas sasaya siya
Sa piling ng iba
Hindi
Sayo

(Pataas👆)



Reversed poetry

By: Kim Carlo Lagancia

"Umasa ka"

(Basahin pababa)

Pinaasa ka lang nya!
Hindi totoong
Minahal ka niya,
Pinaikot ka lang,
Huwag kang maniwalang
Gusto ka niya!
Walang pag-asang maging kayo,
Kaya huwag mong isiping
higit pa sa kaibigan ang tingin niya sayo,
Ang totoo,
Mahal niya lang ay ang sarili nya,
Kaya huwag kang maniwala na
Ikaw ay mamahalin nya ng lubos
Kikilalanin at bibigyan ka nya ng halaga,
Na totoo ang pag-ibig nya sayo,
Dahil yan ang gusto niyang isipin mo,
Na maniwala kang mahal ka niya
Gustong-gusto niya
Na
Umasa ka!

(Basahin pataas)


Reverse poetry

"Biro lang!"
By: Kim Carlo Lagancia

Mahal kita!
Biro lang,
Hindi totoo na,
Gusto kita,
Kaya
Dahil Iba ka,
Aasarin kita,
Mapansin mo lang ako,
Hindi kita titigilan,
Kahit magalit ka pa,
Hanggang sa magustuhan mo ako,
Pikon talo ka kasi kaya,
Dahil Ang arti mo
Kaya pasensya ka,
Pero Nagbibiro lamang ako,
Hindi kita mahal!

( basahin paitaas)





A/N

So ayun may reverse poetry ngayon. Nagustohan ko lng ngayon yan since ang deep ng mga meaning niya.

Bitter SweetWhere stories live. Discover now