Introduction

13.9K 86 28
                                    

Introduction:

Minsan hindi natin inaasahan ang pagdating ng taong para sa atin. Minsan magkikita pa kayo sa 'di inaasahang pangyayari, kung saan parang malabo na magkatuluyan kayo. Yung tipong masasabi mo na lang sa sarili mo ang mga katagang; langit siya, lupa ako. Mga ganyang linyahan na parang wala ka nang pag-asa.

Pero wala, tinalo ng tadhana yung mga ganyang linyahan. Mas malakas pa rin talaga ang hatak ng tadhana kumpara sa mga rumaragasang problema. Kapag nagmahal ka, hindi mahalaga at hindi nakadepende sa kung ano ang nakaraan ng bawat isa sa inyo, family background, social status at iba pa. Mga materyal na bagay lamang iyan, kumbaga display kasi ang mahalaga ay kung ano ang nadarama niyo sa isa't isa at kung isusuko niyo ba ang isa't isa o patuloy na ipaglalaban.

Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon laging masaya ka. May mga dumaraan ding problema na kailangan niyong haraping dalawa kasi walang thrill ang buhay kapag walang problema at walang lesson at experience na darating kapag wala yun. Parte na iyon ng buhay ng tao dahil ito ang mas nakakapagpalakas sa kanila at sa kanilang mga relasyon.

"Mommy can you tell me a story?" tanong ni Ella na halatang inaantok na dahil sa paghihikab niya. Siguro napagod kakalaro. Napaka-likot kasi e. May pinagmanahan.

"Sure. What story do you want me to tell?"

Nag-isip siya ng kaunti. Lagi kasi siyang nagre-request na magkuwento ako bago siya matulog. Pero kapag alam niyang paulit-ulit na yung kinukwento ko, katulad ng mga pangkaraniwang fairytales, nagrereklamo pa. Napaka-demanding lang ng anak ko. Parang ako lang.

"Can you tell me the Best story that will beat all the Disney Fairytales? Nakakasawa na po kasi sila e" she said while yawning again.

Best story? That can beat the Disney Fairytales? Well I knew one. A story that somehow very unique from Fairytales. Kwento na talagang nangyari sa totoong buhay at hindi lamang sa mga makukulit kong imahinasyon at alam ko sa sarili ko, hindi ko pa ito naku-kwento sa kanya.

Nirereserba ko talaga yun sa mga sitwasyong nangangailangan ng best story at sa tingin ko, ito na yung tamang panahon para ikuwento ko na iyon sa kanya.

"Sure Baby, but promise me one thing." sabi ko sa kanya.

"What is it mommy?"

"Let me finish this story before you sleep. Promise?"

Brutal na kung brutal akong nanay, pero gusto kasi kapag nagku-kwento ako hindi inaantok yung kinukwentuhan ko. Minsan na nga lang akong mag-effort na magkuwento at isa pa, best story kaya 'tong baon kong kuwento.

"Promise Mommy," sabi ni Ella habang nilalakihan yung mata niya at dinilat pa lalo gamit yung mga maliliit niya daliri.

Napaka-cute niya talagang tingnan. Hindi maipagkakaila na nagmana siya sa Daddy niya. Pero pinigilan ko na rin siya ginagawa niya baka mamaya lumaki ng tuluyan yung mata niya at pagalitan ako ng daddy niya. Pangarap pa naman ng daddy nito na maging artista siya balang-araw.

"So let's start," Intro ko pa lang pero napapansin ko nang pumipikit-pikit na si Ella. "Baby kung inaantok ka na, next time ko na lang siya iku-kuwento," sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.

Bigla siyang nabuhayan at sabi pa na niloloko niya lang ako. Palusot. Mukhang gusto niya talaga pakinggan 'tong iku-kuwento ko sa kanya, siguro iiklian ko na lang yung kuwento.

"Okay. This is how Mr. and Ms. C's Story began."

Mr. and Ms. C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon