Chapter Four
Dahil sa mga nangyari sa akin kahapon at sa sobrang dami ng iniisip ko, natanghali ako ng gising. At ang nakakainis pa ay naghihintay ako ngayon dito sa lobby ng school. Kapag lagpas 7:15 a.m. na at wala ka pa rin sa klase, sa second subject ka na puwedeng pumasok.
Uminom muna ako ng kape, na binili ko sa tig-5 pesos na vending machine, bago dumukmo sa mahahabang lamesa dito sa canteen. Halos lahat kami rito ng mga kasama kong late ay nakadukmo rin. Sabagay, hindi ko sila masisisisi, nakakaantok nga naman talaga at nakaka-tempt umuwi ng bahay para matulog.
"So, you're late also. So sweet of you that you're waiting for me," sabi ng isang pinaka-nakakairitang lalaki na nakikilala ko dito sa mundo.
"Ang kapal mo. Manahimik ka na nga lang. Hindi ba sinabi sa iyo na huwag kang manggulo kapag may natutulog?" sabi ko.
Hindi na akong nag-abalang tingnan siya at siguruhin kung si Mr. C nga ba talaga iyong nambubuwisit sa akin. Sasayangin ko lang effort ko dahil siya lang naman ang makikita ko.
"Hindi e," sabi niya bago ilapag ang bag niya sa mesa at tumabi sa akin.
"Ganoon ba? E 'di lumayas ka na dito. Gamitin mo yung charms mo para papasukin ka ni Sir Peter, hindi yung pinepeste mo ako dito."
"No way. Mas gusto kong mang-asar dito kaysa tanungin na naman ako ni Sir tungkol sa boring na lesson natin."
Kahit kailan talaga nakakainis itong lalaking ito. Tumayo na ako at lumipat ng upuan na wala ng katabing bakante, para hindi na ako masundan pa ng asungot na iyon. Alam ko kasing hindi na naman ako titigilan nito.
"Ms. Dela Rosa?" tawag sa akin nung babaeng katabi ko kaya lumingon ako sa kan'ya. Kung hindi ako nagkakamali kaklase ko rin siya at isa sa mga babaeng humahabol kay Mr. C noong first day.
"Sophie Dela Rosa right?" tanong niya at tumango naman ako. "I'm Maria Frances Garcia. Frances for short." Pakilala niya bago niya inangat yung kamay niya para makipag-shakehands. Inabot ko naman iyon bago ngumiti at bumalik sa pagdukmo.
Kinausap niya ako nang kinausap kahit yung dalawang mata ko ay nakapikit. Antok na antok kasi ako dahil nga sa mga nangyari na nagresulta ng pagkatanghali ko ng gising. Mas gugustuhin ko na lang matulog kaysa abalahin na naman ako nung mga iniisip ko.
"Puwede ba magtanong?" Tamad na tamad akong tumango. "Kayo na ba ni Kian?" tanong niya na nakapagpagising sa akin at nakapagpawala ng antok ko.
Anong klaseng tanong ba iyon? Akala ko tapos na yung issue na iyan. Kaasar naman kasi si Mr. C e. Napakalakas ng trip sa akin. Mukhang mapagkakamalan pa yatang kami. Tapos madadagdagan na naman yung problema ko dahil sa mga naghahabol sa kan'yang mga babae.
"Hindi a. We're frenemies," sabi ko sa kan'ya.
"Really?" tanong niya ulit na tila ba nabuhayan ng loob at halos abot-langit na ang mga ngiti niya. Nag-nod lang ako.
"Phew. I thought wala na talaga akong pag-asa sa kanya. Anyway, can we be friends?"
As expected kaya niya tinatanong iyon. Ganoon na ba sila kadesperada para sa lalaking iyon? Hindi ba nila alam kung gaano kayabang iyon? At halos hindi yata nabiyayaan ng kakarampot na humility. Siguro nasa ilalim ng lupa iyon noong nagpapasabog ng humility sa mundo.
"Sure." sabi ko na lang.
"So since we're already friends, you can share your secrets with me. Puwede ka na ring humingi ng advice sa akin if you need some." Pansin ko lang, Napakadaldal niya, napakamasayahin at ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya na sobrang rare. Bihira ko lang maramdaman itong pakiramdam na ito kapag may mga babaeng gustong makipagkaibigan sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. and Ms. C
Fiksi RemajaSophie Dela Rosa never wished for anything but to be happy. Pero hindi na yata matutupad iyon dahil sa nakabangga at nakilala niya si Kian Lee. Ang lalaking naging sakit ng ulo niya. Pero ang siya ring tanging nakapagpatibok sa puso niya at ang alam...