Chapter Three

2.8K 47 4
                                        

Chapter Three

(Sophie Dela Rosa)

"Ba't ngayon ka lang Phie? Gabi na?"

Iyan agad ang tumambad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila Louis. As usual nagiging OA na naman siya. Ako lagi ang iniintindi niya bago ang sarili niya. Dinaig niya pa sila Mama at Kuya Gino.

"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya habang hinihimas yung noo niya. Mainit pa rin siya pero kung kumilos parang walang sakit. Tigas din ng ulo. Kaya siguro kami naging mag-best friend nito.

"Ito, umaatake na naman yung one-week sickness ko. Ikaw? Kamusta naman sa school kanina?" tanong niya. Bigla akong napakagat labi.

Sasabihin ko ba sa kanya? Na nag-cutting classes ako dahil kay Mr. C? Baka kasi isumbong niya ako kila mama. Pero mapagkakatiwalaan naman siya kasi tinatago naman niya yung mga sikreto ko? Pero hindi rin naman niya ako kinokonsinte? Ba't ba kasi hindi ko naisip ito ay pinagplanuhan muna bago pumunta dito.

"Hindi ko alam. Nasa Clinic kasi ako buong araw."

Pagkasabi ko niyon, hinimas agad ni Louis yung leeg at noo ko at ang daming tinatanong. Grabe. Kung hindi ko lang siya best friend iisipin kong may gusto ito sa akin.

"Okay lang ako. Okay? Si Tita nga pala, nasaan?" Hindi ko kasi siya nakita. Usually, siya ang sasalubong sa akin.

"Bumili ng gamot. Tara kain ka muna," sabi niya habang ipinaghahanda niya ako.

Baliw na talaga itong kaibigan ko. Mas iintindihin niya pa talaga ako kaysa yung sarili niya? Hinila ko siya at pinaupo at ako na ang naghain para sa amin. Isa pa, ang bagal niyang kumilos. Gutom na kaya ako. Masama pa naman ako magutom.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya. Tiningnan ko siya nang masama. Hindi pa ba obvious? Ganoon ba talaga kapag nagkakasakit ang matatalino? Bigla-biglang naglalaho yung katalinuhang taglay nila?

"Naghahanda ng kakainin natin. Nagugutom na kaya ako."

Gusto pa sanang niyang umangal pero binatukan ko siya kaya nanahimik siya. Aba dapat lang, kung ayaw niyang masaktan. Habang kumakain ay napapansin kong lagi siyang nakatingin sa akin pero hindi ko na lang pinapansin kahit na medyo naaasiwa ako. Siguro nang-aasar lang dahil alam niya na ayaw na ayaw kong tinitingnan ako o tinititigan.

Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na yung mga pinagkainan namin. Habang naghuhugas ay nakatingin lang siya sa akin at dahil sa naiirita na ako sa kanya, pinapunta ko na siya sa kwarto niya, para basahin yung mga notes ni Kris. Ang weird talaga ng mga tao kapag nagkakasakit. May sumapi kaya sa kan'ya?

"Iha, nandito ka pala?" tanong ni Tita Jasmine, mom ni Louis, na halatang kararating lang. Itinigil ko muna sandali yung paghuhugas ng mga pinggan at nagpunas ng kamay. Pagkatapos ay nilapitan ko siya at tinulungan sa pagbitbit ng mga pinamili niya.

"Opo, papakopyahin ko po kasi ng notes si Louis," sabi ko habang inilalagay yung mga pinamili niya sa lamesa.

"Ganoon ba? O siya, ako na ang bahala rito at pumunta ka na sa kwarto ni Louis. Salamat sa tulong iha," sabi ni Tita pero umangal ako dahil nakakahiya. Pero dahil may pinagmanahan si Louis sa sobrang kakulitan, napa-alis ako ni Tita roon.

"Nga pala Sophie, huwag kayong gagawa ng milagro doon," paalala niya.

Bigla akong natigilan sa pag-akyat dahil sa sinabi ni Tita, although lagi niyang sinasabi iyon. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magulat.

"Si tita naman." Tumawa lang siya pagkasabi ko niyon.

Kahit kasi mga magulang namin napagkakamalan na mag-boyfriend at girlfriend kami ni Louis kahit hindi naman. Iba na talaga kapag matanda. Sobrang lakas mang-issue. Dinaig pa kami.

Mr. and Ms. C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon