Chapter One
(Sophie Dela Rosa)
Mahaba-habang takbuhan ang tinakbo namin ni Louis. Nakakahiya talaga yung nangyari kanina. Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin sa aking sarili kung bakit ko ba nagawa ang bagay na iyon? Ang dami pa namang nakakita at mukhang sikat na tao pa man din yung sinampal at inaway ko. Malamang sa hindi, magkaroon ako nito ng instant haters at maging living hell ang aking tahimik na buhay.
=-=-=-=
"Louis ang ganda naman pala dito sa SMA. Ang laki-laki ng bagong school natin," puri ko habang manghang-manghang naglalakad sa main entrance ng school.
Nawala lang yung pag-MMTV ko nang may mga babaeng nagsisigawan, na parang mga galing ng mental, at nagtatakbuhan papunta sa direksyon namin. Akala ko nga noong una, kami yung dinudumog. Iyon pala, yung taong nasa likod namin dahil nilagpasan lang nila kami. Napaka-assumera ko talaga kahit kailan.
"OMG. Si Kian guys!"
"Mr. Lee isang tingin naman dito!"
"Ang guwapo niya talaga."
Naririnig kong sigaw nila at sa totoo lang, sobrang nakakabingi at kung minamalas nga naman ako, natangay ako ng mga nagsisigawang babae papunta kung saan mang mayroong welga o rally. Sa dami ba naman nila, kulang na lang magkaroon ng riot dito. Nang mahimasmasan ako, agad kong hinanap si Louis. Nahilo kasi ako sa pangangaladkad ng mga babaeng iyon at nabingi na rin ata dahil sa sobrang lakas ng sigawan nila. Hindi ko nga malaman kung nasa eskuwelahan pa ba kami o nasa welgahan na.
Habang abala ako sa paghahanap kay Louis, may bigla akong nabangga nang hindi sinasadya. Tiningnan ko siya at tiningnan niya rin ako na parang may inaantay na iaakto ko at nang lumipas ang ilang segundo, naniningkit na yung mga mata niya. Medyo singkit na nga yung mata niya pinasingkit niya pa. Nakakakita pa kaya siya?
"Sorry," sabi ko na lang dahil marunong din naman akong makaramdam.
Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ko kay Louis. Aalis na sana ako roon pero naramdaman ko na may humila sa braso ko kaya muntik na akong matumba. Ka-clumsihan ko nga naman, hindi marunong makisama. Kahit kailan talaga.
"Iyon lang?" tanong niya. Ano bang hinihintay niya?
Hindi ko siya sinagot noong una pero nang inulit niya iyon, sinabi ko na rin yung iniisip ko kanina pa. Nakakainis na rin kasi siya.
"Ano bang gusto mo? Yung sorry po in the tune of Chichay ng Got to Believe with matching curtsy pa?" sarkastiko kong tanong na halatang ikinairita niya.
Ano bang mayroon sa kanya? Guwapo sana siya kaso ang sungit. Ganoon na talaga siguro ngayon, palagi nang magkasama ang dalawang katangian na iyan. Package kumbaga para fair, isang positive at negative.
"What's up with you? Hindi mo ba ako nakikilala?"
Ano ba talagang problema niya? Pinapalaki niya yung gulo at ganoon ba ka-big deal yung pagkakabangga ko sa kanya? Mukha ba akong kotse at kung maka-react siya, parang nabangga siya ng kotse at nabalian ng buto? Nakakaasar lang kasi ang OA. Nakikidagdag pa siya sa problema ko. At isa pa, sino ba siya para kilalanin ko? Ikakamatay ko ba kapag hindi ko siya kilala?
"Hindi, sino ka nga ba?"
Pagkasabi ko niyon, nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid ko at kung anu-ano nang sinasabi nila katulad ng; sino raw ba ako para ganunin yung taong nasa harap ko, ang kapal daw ng mukha ko, etc. Mga kabataan nga naman ngayon, kinain na yata ng sistema maliban sa amin ni Louis.
"You don't know me? Well I'll introduce myself to you then," sabi naman ng lalaking nasa harap ko.
Gusto ko sanang tanungin kung para saan pa, pero naunahan na niya akong magsalita. Ganoon ba talaga kaimportante na makilala ko siya? Kasi sa totoo lang, sinasayang niya lang ang oras ko at laway niya. Baka mahuli pa ako sa klase nito. Unang araw na unang araw ko, late ako. Papagalitan ako nito ni Mama e.
BINABASA MO ANG
Mr. and Ms. C
Teen FictionSophie Dela Rosa never wished for anything but to be happy. Pero hindi na yata matutupad iyon dahil sa nakabangga at nakilala niya si Kian Lee. Ang lalaking naging sakit ng ulo niya. Pero ang siya ring tanging nakapagpatibok sa puso niya at ang alam...