NGMPG 9 -- meet my idol

405 19 10
                                    

Please Vote, Comment and Become a Fan. :))

Faiza (----> at the right)

Sorry kung panget tong update ko ngayon. Sorry kung hindi nyo mage-gets. ^____^v Kaya kung napangitan kayo, i-comment nyo lang. Laitin nyo lang. Ayos lang sakin. Salamat sa magpupuna kung may mali man ako.

<chocolate_shop>

_____________________________________________________________________________

Bakit maraming tao dito sa gym? Marami ring mga taga-media. Psh, kung sino man yung paepal na talagang nagpa-presscon pa dito, kelangan lang siguro nyang magpapansin. Tss.

"Alexa and company, tara dun tayo sa unahan. May upuan na kayo din. Naka-reserve yun para sa mga classmates ni Andy e." sabi ni Gerlie. Tumango lang kami, tapos pumunta na kami sa unahan.

Nakita ko yung banner sa may harapan, so si Mr. Andy pala ang may pakana ng presscon na to. Oh well.

Pagka-upong pagka-upo namin, nag-start na yung presscon. Ngayon daw kasi ipapakilala yung bagong ka-loveteam ni Andy at 'yung iba pang cast sa gagawing movie. Nung ipakilala ng emcee si Andy.

Kyaahhhh~~

"Woo, ang pogi mo talaga Andy. Wapak na wapak ka talaga."

"Akin kana lang. Yummy !!"

"Baby, come to mama !!" hala ka dyan, mandiri ka te. Haha, natatawa nalang ako sa mga reaction nila.

Tamang interview lang ng mga reporters kay Andy. Nung ipapakilala na yung mga casts. Nabigla ako sa lumabas sa backstage.

Lumabas ba naman sa backstage sina France at tsaka narin si Pam. Eh di sila na ang kasali sa movie. Sila na ang artista.

"Kyaaaahh, walang duda kung bakit kasali sila sa upcoming movie."

"Wooo, France akin kana lang. Papakasalan na kita. Nakahanda na ang lahat ikaw na lang ang kulang."

"Ampogi mo talaga France, pakiss"

"Ang ganda mo Pam, halika na dito titirahin na kita." hala ka dyan kuya, kadiri ka. Yayks. Eeewww !! Napatingin ako sa mga  kaibigan ko, nakitang kong nandiri rin sila. Nagtawanan na lang kami.

Ayun, tamang interview ulit sa kanila. Nakaka-boring naman oo. Tss. Patayo na sana ako ng narinig ko ang pangalan nya. Pagkalabas nya sa backstage.

":Kyaaahh, ang ganda mo talaga. Waaaa ~~" ako yan, walang hiya yan. Makita ko ba naman ang paborito kong singer/actress e. Grabe, kung makapagwala kami ng mga kapatid ko parang mga wala ng bukas. Grabe sobrang ganda nya talaga. Waa~~

"Hi, *tapos nag-beso-beso sila nung emcee* Umupo kana sa tabi ng yung leading man." sabi nung emcee kay Faiza. Waa. Ang lapit nya sakin. Katapat ko lang sya. Grabe, mababaliw na ko. Yung mga kapatid ko, grabe kawawa ako. Sabunutan ba naman nila akong lahat e. Waa. Pero gorabels lang yan, makita ko lang sya, parang wala akong nararamdamang sakit.

Tapos nun, ininterview na rin sya. Habang iniinterview sya, nakatitig lang ako sa kanya. Ang ganda nya talaga grabe. Tuwing nakikita ko talaga sya, nagiging tomboy ako. Ikaw ba naman makakita ng dyosa e, sinong hindi mag-aastang lalaki, aber. Haha. Sorry O.A ako e.

"Gusto nyo bang kumanta si Ms. Faiza?" masiglang tanong ng emcee sa mga audience.

"Oo, Waaa~~ " syempre isa ako sa mga sumisigaw dyan. Ngumiti naman si Faiza, huwaaa.. Ang ganda nya talaga. Tapos tumayo sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerdy Gangster Meets Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon