NGMPG 3

375 14 7
                                    

Please Vote, Comment and Become a Fan. :))

Ralph (at the right side..)

<chocolate_shop>

___________________________________________________________________

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA" kaming lahat yan.

"AYE, WHY ARE YOU LAUGHING?" inis na sabi samin ni Pam. Kasama niya yung mga alipores nya pati na rin yung binugbog ni Nancy.

Tumingin lang kami sa kanila.  Tapos tumayo kami ng mga alipores ko. Syempre taas ang isang kilay namin.

"Feeling nyo naman kayo ang pinagtatawanan namin? IN YOUR DREAMS. Psh." sabi ni Nancy  na nakataas parin ang isang kilay.

May narinig nalang kami na may humagalpak ng tawa dito sa may tabi ko. Pagkatingin ko, si Nancy pala ang tumatawa. Mukha lang naman po syang tanga, infairness.

"Hoy Nancy, makatawa ka wagas a." sabi ko kay Nancy. Hindi parin natitinag tong babaeng to a.

*Boooggshh*

"Aray naman Alexa, makabatok wagas." sabi ni Nancy sakin

"Wag ka ngang tumawa dyan, mukha ka kayang tanga. Alam mo ba yun." sabi ko sa kanya.

Nanahimik naman si Nancy. Tumalikod na kami ng mga alipores ko.

*puuuk*

"THE Fudge !! SINO YUNG NAMBATO SAKIN??" napalingon ako dun sa tinalikuran namin. Nakita ko may lata dun. Siguro ayun yung pinambato sakin.

Wala ng kaabut-abot, pinuntahan ko sila Pam sa kung saan sila nakatayo. Paepal kasi masyado.

*SUNTOOK*

"Wag kayong titira ng nakatalikod ha. Mga duwag lang kasi ng gumagawa nun e."

*slap*

"Alexa, wag mong pagbubuhatan ng kamay ang girlfriend ko." sabi ni Ralph. Napahawak ako sa pisngi ko a. Hala, san nanggaling tong monggoloid na to.

"Hala, bakit bigla ka nalang sumusulpot dyan? Kabute ka ba? Talagang sinasampal mo na ko ha. Nakakadalawa ka na. Baka gusto mong patulan na kita. Pssh" sabi ko kay Ralph.

"Bakit nyo binugbog yung kasama ni Pam ha?" tapos tinuro ni Ralph yung binugbog ni Nancy. Tinignan ko lang saglit yung girl na bugbog sarado tapos ibinalik agad ang tingin kay Ralph.

"We have our own reasons and it's none of your business." sabi  ko kay Ralph.

"Vince and the chipmunks, hatid nyo na kami. Ma-b-BV ( bad vibes ) ako dito e."

"CHIPMUNKS talaga ha." sabi ni Eppie

"Bakit umaangal ka Eppie? Nancy o, umaangal ang shota mo o." pagsusumbong ko kay Nancy. Pagkasumbong ko kay Nancy, tiningnan lang nya ng masama si Eppie.Si Eppie nanahimik nalang na parang asong natatakot sa kanyang amo.

Sinimulan ko ng maglakad, sinundan naman nila ako. Tapos tumigil ako sa tapat ni Ralph.

"Kayo nalang bahala na makipaglaban bukas. Isama mo yang pinagmamalaki mong girlfriend. Galingan nyo ha." tapos hinalikan ko sya sa pisngi.

Nabigla sina Pam sa ginawa ko kay Ralph. Pero biglang umimik si Ralph.

"Hindi pwede sila Pam bukas. Alam mo naman na ang grupo nyo talaga ang gustong makalaban nila. Tapos, gusto mo talagang maging alipin tayo nung mga yun ha. Wala ka talagang puso pagdating sa gang natin." sigaw sakin ni Ralph.

"Ikaw naman ang dahilan nito kung bakit ayun ang naging desisyon ko." tapos tumingin ako sa pwesto ni Ralph.

"Don't worry, hindi kayo matatalo. Masyado silang mahina para kalabanin namin. Puro lang sila salita, kaya kung matatakot kayo sa kanila, matatalo talaga kayo" then I smiled.

Pagkatapos nun e umalis na kami. Hindi namin kinausap yung mga chipmunks kasi kapag kinausap namin sila, siguradong kukulitin nila kami na pumunta. Walang umiimik samin hanggang sa dumating kami sa bahay namin.

---

After few days, wala parin kaming balita sa gang. Siguro natalo sila kaya ganun. Hays, magiging alipin nalang kami, beyen. Antatanga naman nilang makipaglaban. Ang hihina na nga ng mga kalaban nila e, nagpatalo pa sila. Psshh

*ring-ring*

*ring-ring*

Tinignan ko yung phone ko.

"Girls, tara na. May tumatawag sakin galing sa gang. Halika na kayo dito bilis." sabi ko sa kanila. Oo nga pala, nasa iisang bahay nga pala kami ng mga alipores ko nakatira.

Alam ng mga parents nila na kasali sila sa gang. Sa totoo lang, nung una hindi sila pumayag. Pero hindi sa nagmamayabang ako e, simula kasi nung sumali sila sa grupo ko, lagi na daw silang nasa honors. Kaya ayun, hindi na sila pinaalis sa grupo ko. At ang nakakatuwa pa dito e, pinagsama-sama kaming lahat sa isang bahay kaya ayun.

Hehehehehehehehe.

"Hello, anu ng nangyari? Alipin na ba tayo ha? Mga tatanga-tanga naman kayong makipaglaban. Sabi ko sa inyong mahihina lang sila e, hindi nyo man lang natalo. Mga walang kwenta kayo." sunod-sunod kong sabi sa kabilang linya.

(Don't worry po madame Alexa, natalo po namin sila. Kung hindi po dahil sa grupo nila Pam, siguro po mga alipin na tayo.)

"Buti naman pala kung ganun at nanalo kayo. Osige ibababa ko na tong tawag mo. Papaenroll pa kami e. Sige bye. muah." tapos in-end ko na yung call.

Oo, papaenroll kami ng mga alipores ko. Pero syempre, kelangan naming magpaka-nerdy look. Hindi kasi namin pwedeng ipakita yung mga pagmumukha namin sa madlang estudyante e. Gusto kasi namin na maging ordinaryo lang yung mga buhay namin. Ayaw namin na katakutan kami. Hehe. Ganun lang naman ang gusto namin, para masaya ang buhay-buhay.

After enrollment..

Pumunta kami sa hide-out ng gang. Tamang kamusta lang kami sa mga ka-gang members namin. Pero hindi namin nakita sina Pam at Ralph. Ang sabi sakin ay nag-date daw yung dalawa. Okay fine, sila na ang nag-date. Ansakit nun infairness. :'(

After a few weeks..

First day of class na. Eto na, mag-aaral na ulit kami. Hindi halatang excited kami e no. Syempre alam na ang itsura namin. Mga morena kami, tapos ay nakapang-glass na sobrang laki. Tapos naka-retainers yung mga ngipin. Tapos naka-pony ng pang-manang. Ganyan lagi ang itsura namin everytime na may pasok.

"Girls, tara na. Pasok na tayo."

"TARAAA !!" excited nga sila. Haha.

Tapos ayun umalis na kami sa bahay. Naglakad kami papuntang school. Pagdating namin sa school ay dumeretso kami agad sa locker room para ilagay yung mga gamit namin. Pero pagkabukas namin ng locker namin.

*SPLAAAAAAAAAAAAAAASH*

"What the F*** !!!" sabay sabay naming sabi.

Nerdy Gangster Meets Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon