NGMPG 4

371 19 39
                                    

Please Vote, Comment and Become a Fan. :))

Pam's members (at the right) 

<chocolate_shop>

 ____________________________________________________________________________

"What the F*** !!!" sabay sabay naming sabi. Tapos nagtinginan kami sa isa't isa.

"HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAAHAHAAHAHAHAHAHHA" ayan lang naman po ang naging reaksyon namin sa isa't-isa. Instant pulbos na ito. Puting-puti talaga mga mukha namin. Odiba.

"Tingnan nyo girls yung mga nerds o." tapos tinuro kami nung babae.

At kung malas malasin ka nga naman diba. Ang aga aga e na-bubully na agad kami. Ang masaklap ang nambully pa samin ay yung grupo nina Pam. Opo, grupo nga nina Pam. Sila ang pinaka-nambubully samin.

Kaya alam nyo na kung bakit masama ang trato namin sa kanila nung bakasyon. Pero hinahayaan nalang namin sila kapag nandito kami sa school. Ayaw naming malaman nila na kami yung kinakalaban nila. Aalis na sana kami para makapaglinis na nang katawan ng biglang may sumabunot sakin.

"Aray naman te, bitawan mo na yung buhok ko o. Wala naman akong ginagawa sa inyo a." mahinahon kong sabi.

Kapag nandito kami sa school, sobra talaga ang control namin. Hindi kami padalos-dalos sa mga gagawin namin.

"If ayaw kong bitawan ka. Anong gagawin mo ha?" sabi ni Pam.

Naku, pasalamat ka Pam at nandito tayo sa school. Kasi kung wala tayo dito humanda ka sakin. Baka manghiram ka ng mukha sa aso. Tss.

Ayan lang naman ang laman ng utak ko ngayon.

"E di wag mong bitawan, sigurado namang may makakakita sa'yong mga teachers or staffs dito sa school. Kapag nakita ka lang naman nila, e di maga-guidance lang kayo." mahinahon kong sabi kahit sa lob loob ko e halatang trip ko na syang patayin.

Binitawan nya yung buhok ko. Tapos umalis na. Ganun lang yun, mga walang kwenta talaga ao. Yung mga babae ko ayan, mga biglang nag-iba nang aura nung makalabas sina Pam e. Halata sa kanilang gusto na nilang sugurin e.

"Buti nalang nagtitimpi kami dun sa grupong yun Alexa. Grabe lang ha, humanda sa'tin yang mga yan kapag pumunta tayo sa hide-out. Papadila ko sa kanila yung mga nakakalat na TAE sa kalsada." sabi ni Mourin.

"Kadiri ka talaga Mourin. Hayaan mo lang sila. Nakatiis naman tayo sa kanila ng 2years diba. Kaya hayaan mo lang sila." sabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang labas sa ilong yung sinabi ko. Pagkatapos nyang agawin sakin si Ralph, sarap na ngang patayin nung babaeng yun e.

"Ano daw? Haha, halatang labas sa ilong yun Alexa a. HAHAHAHAHAHAHAHA" sabi naman ni Kelly

"Ano to, aasarin nyo ko? Gusto nyo bang maglinis ng katawan o gusto nyong makita ang mga katawan nyong nakalutang sa ilog tralala?" bantaan ko nalang ang buhay nila. Ayun, biglang mga nagsikilusan ang bruha.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

Patay, late kami. Anu beyen, badtrip naman o. First day of class pa naman. Nagtakbuhan kami ng mga alipores ko sa room namin. Halatang walang tingin-tingin na tumakbo ako ng mabilis.

*BOOOOOOOOOGSHH*

Ayun, umurpit (tumalsik) lang naman ako. Grabe yung pagkakabunggo namin. Bongga lang e. Ansakit ng pwet ko.

"ARAAAAY !!!" sabi ko.

Grabe, hindi ako makagalaw ng ayos. Ansakit talaga. Parang na-dislocate yung balakang ko a. Buti nalang at to the rescue itong mga bruhang to. Inalalayan akong tumayo.

"Arraaayy !! Hindi ko kayang tumayo. Wait lang. Ansakit" pagrereklamo ko.

"Tatanga tanga ka kasi e. Nakita mo namang tumatakbo kami dahil late na kami, badtrip talaga." wait lang.

Patay tayo dyan, grupo nila France to a. Ano beyen. Sa lahat ng mga mababangga ko ay yung leader pa ng isa sa mga nam-bubully samin.

"H-Hala, s-sorry talaga. s-Sorry, n-nagmamadali din kasi kami e. s-Sorry talaga." nauutal ako habang sinasabi ko yan tapos pinipilit ko pang tumayo, pero hindi talaga ako makatayo. Pakshheeeet, sana naman maawa sakin to loko-lokong to. Sana umalis na sila.

*TAKOT MODE*

Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung kamay ko. Nanginginig ako sa takot e. Ugh. Bakit ganito? Lumilipad ba ako? May pakpak na ba ako? Ayt, sana talaga hindi ako i-bully nina France ngayon. Wala ako sa mood tanggapin ang mga pambubully  nila e.

"Pare, san mo dadalin yang nerd na yan?" tanong nung kasama ni France.

Wait ano daw? Tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko. Grabe bumungad sakin ang isang France na binubuhat ako.

WHHAAAAAAAAATTT??

"H-HOY FRANCE, SAN MO KO DADALHIN HA? IBABA MO NGA AKO" sigaw ko sa kanya tapos ginagalaw ko yung paa ko. Pero sumakit yung balakang ko kaya tinigil ko na yung paggalaw ng paa ko.

"Wag ka na nga lang magulo. Ayan sumasakit tuloy yang balakang mo. Tsaka kapag binaba kita dito makakalakad ka ba? Pssh." mataas ang boses na sabi nya sakin.

What the.? Andaming nagsilabasan na mga students. Tamang takip ulit ng mukha ko. Nahihiya ako.

Naririnig ko yung mga bulungan nila. Kaya balik ulit ako sa pagtakip ng mukha ko.

Kasi isa si France sa mga pinakaPOGI dito sa campus e. Ideal guy talaga sya, sa panlabas na kaanyuan lang ha wag nyo nang alamin kung anong merong ugali tong taong to. Sigurado akong hindi nyo magugustuhan.

Hays.

"Nandito na tayo, wag mo ng takpan yang mukha mo." nagulat naman ako dito kay France.

Ibinaba na nya ako sa may kama dun sa may clinic. Pero dahan-dahan lang ang pagbaba nya sakin. Wow, yummy pala talaga tong si France kapag gentleman sya. Kaya maraming nahuhumaling na babae sa kanya e.

Tapos nun, kinausap nya yung nurse dito. Hindi man lang sya nagpaalam sakin, dire-diretso na syang umalis. Hays.

Pagkalabas ni France, sabay pasok naman nitong mga abnormal kong mga kaibigan. 

"Nabigla kaming lahat sa ginawa sa'yo ni France te." sabi ni Allina habang papalapit sa pwesto ko.

"Oo nga girl. Alam mo bang nakatunganga lang kami sa pwesto namin habang ikaw ay binubuhat ni France." dagdag pa ni Mourin

"Alam mo ba kung hindi ka sumigaw, hindi kami matatauhan lahat." isa pa tong si Nancy

"Tinignan namin yung kaibigan ni France, alam mo bang naka-nganga talaga sila. Para bang nabigla sa ginawa ni France." sabi ni Kate.

=____= <-- eto lang ang itsura ko habang sinasabi nila yan sakin.

Hindi ko alam ang irereact ko e. Habang ganyan ang itsura ko, nagkwentuhan lang sila sa clinic. Hindi na sila pumasok.

Kapag may hindi kasi pumasok na isa samin hindi na papasok lahat. Ayan ang mga alipores ko. Walang iwanan talaga.

"Iuwi nyo na sya girls, wag na muna kayong pumasok. Eto ibigay nyo tong sulat na to sa lahat ng teachers nyo. Sige girls, ingatan nyo yang friend nyo ha. Pagalingin nyo sya ha." tapos ay ngumiti yung nurse sa mga kaibigan ko.

At ayun nga, ginawa nga nila yung pinapagawa nung nurse.

Nagpunta sila sa lahat ng mga teachers namin, ibinigay nila yung sulat. Pagkatapos nilang gawin yun ay inalalayan nila ako pauwi.

Syempre dun kami uuwi sa bahay namin. Tamang alaga ang ginawa nila sakin.

I LIVE, LAUGH, and LOVE BECAUSE OF THEM. :))

Nerdy Gangster Meets Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon