Please Vote, Comment and Become a Fan. :))
Sorry kung panget tong update ko ngayon. Sorry kung hindi nyo mage-gets. ^____^v Kaya kung napangitan kayo, i-comment nyo lang. Laitin nyo lang. Ayos lang sakin. Salamat sa magpupuna kung may mali man ako.
<chocolate_shop>
_____________________________________________________________________________
Nandito na ako ngayon sa sala, hinihintay kong umuwi dito yung mga kaibigan ko.
Sa totoo lang kanina pa ko naghihintay dito sa kanila e. Mga halos dalawang oras nadin. Hindi pa naman kami kumakain ng dinner, nagugutom na ko. TT__TT
Habang nanunuod ako ng Luna Blanca, nakita ko nalang na may pumihit ng doorknob kaya napatayo ako. Alam ko naman kasi na sila na yun e.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto.
Pumasok sila isa-isa. Ang lulungkot kasi ng mga itsura nila.
"Nancy ... Mourin ... Kelly ... Kate ... Hillary ... Hannah ... Candy ... Allina" sabi ko
Pagkarinig na pagkarinig nila ng mga pangalan nila, tumakbo sila papunta lahat sakin tapos niyakap nila akong lahat ng sobrang higpit.
"A....y hu...ta...e....na...nyo...Hi....hin.....dii...a..ko....ma...ka....hi....ngaaa..." pinipilit kong sabihin yang mga salitang yan. Pero para yatang mga wala silang narinig amputek a. Ang masaklap pa, natumba kaming lahat. Ayan, sakit ng likod ko. Bulagta ba naman ako e. Ako pa yung nasa ilalim.
"Ay anak kayo ng mga chuchu o." sabi ko sa kanila kasi hindi parin sila tumatayo. Nakita ko na lang na tumataas-baba ang kanilang mga balikat.
"Okay fine, sige umiyak na kayo. Pinipigilan nyo pa e." pagkasabi ko nun, grabe sila kung makahagulgol. Akala mo wala ng bukas e.
"Girls, sige lang ilabas nyo na lahat. Kasi oras na natapos kayo sa pag-iyak, wala ng iiyak dahil lang iisang dahilan. Okay?" sabi ko sa kanila. Tumango naman sila. Tapos mas lalo namang lumakas yung hagulgol ... ay mali pala, sumigaw na sila ng sobrang lakas. Dahil nga sa nakadagan silang lahat sakin, ang sakit sa tenga ng boses nila. Sa totoo lang basag na ang ear drums ko. Pero dahil mukhang kailangan talaga nilang ilabas lahat, kailangan ko silang icomfort ngayon.
Habang umiiyak sila sakin, naalala ko na naman yung nakita namin kanina ng pauwi kami. At ayun din ang dahilan kung bakit ganito itong mga kaibigan ko.
*Flashback*
Habang naglalakad ako, may nakita akong hindi inaasahan. Pagkakita ko nun, automatic na tumalikod ako. Hala, bakit ang sakit ng puso ko? TT____TT
Nakita ko kasi sina Ralph atsaka si Pam, naghahalikan. Ay anak ng chuchu naman o. Pinupukpok yung dibdib ko pero hindi ako naiiyak a. Sadyang ayaw ko lang talaga makita ang mga ganung scene e. Kahit papano naman kasi diba, may feelings ako dun kay Ralph kahit shota nya si Pam.
"Anong nangyari sayo Alexa?" tanong sakin ni Hannah.
Tinuro ko yung lugar kung saan ko nakita sina Pam at Ralph. Nagulat naman sila sa nakita nila.
"It will be alright girl." sabi sakin ni Kate. Tumango lang ako at kunwaring walang nakikitang PDA sa paligid. Tapos naglakad na ulit
Napatigil nalang ako bigla nung may nakita ako sa paligid ko, yung mga shota ng mga kapatid ko, nakikipag-halikan din at ang masaklap ay dun pa sa mga alipores ni Pam. Papabalikin ko sana yung mga kaibigan ko pero huli na ako. Nakita na nila. Parang isang iglap lang e papatayin na nila yung mga haliparot na mga babaeng yun.