Chapter 9: His My Boyfriend? Σ(゜゜)

1.6K 41 1
                                    

* Cin's Pov *

Nasa room ako ngayon maaga na akong dumating wala pang masyadong students dahil bigla nalang nagtext ang isang ugok na si Nich talagang tinext ako para lang punasan ang sapatos niyang marumi syete nga naman kapag malaman ko lang talaga kung sino nag edit nun i triple dead ko na agad pinahihirapan niya ako eh!

" Ayusin mo, may maliliit pang dumi akong nakikita oh" sambit nang ugok habang nag t-type sa Cp niya talaga lang ha? Nakikita? Eh nakatutok nga ang mata niya sa phone niya eh tapos maliit na dumi kita niya? Aba matindi!

" Huwag ako lokohin mo!" Sigaw ko sabay punas nang sapatos niya pagkatapos kong magpunas ay agad akong tumayo binato ko ang bimpong pinagpunas ko sa sapatos niya sa mukha niya, nakakairita kasi gigil na ako

" Ano ba! Ang dumi niyan itatapon mo lang sa gwapo kong mukha!?" Sigaw niya sa akin at sinamaan ako nang tingin inerapan ko siya at saka umalis sa room niya tch sa kanilang tatlo siya lang itong pala utos si Sky kasi hindi pa nag uutos parang may masama akong pakiramdam sa kung anong pwedeng ipagawa nang lalaking iyon kapag ako pinahirapan niya nang husto naku pigilan niyo ako!

Nang maka alis na sa room nang ugok nakita ko si Kenneth nagbabasa habang naglalakad habang my headset na nakasabit sa leeg niya na kulay green masyado siyang seryoso sa kanyang binabasa kaya bigla niya akong nabangga kaya napaupo ako ang lakas kasi eh pero ang loko tuloy tuloy lang sa paglalakad hindi man lang ako tinulungan sa pagtayo tsk sarap niyang ipakatay sa totoo lang sumobra na ang inis ko ngayong araw

" HOY KENNETH! wala kang nakita!" Sigaw ko sa kanya pero nagkibit balikat lang ang loko nakaka asar na talaga!

" Sige lang! Kapag matapos yung tatlong linggo na sinasabi mo humanda ka sa akin!" Sigaw ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin

" Gusto mo bang dadagdagan ko pa nang tatlong linggo?" Seryoso niyang tanong sa akin kaga napalunok nalang ako nang aking laway hindi ako makapagsalita dahil ayaw kong dagdagan niya ang pagiging slave ko sa kanya

Pagkatapos niyang magtanong ay umalis na siya palayo sa akin at tumuloy sa pagbabasa nang libro niya tsk humanda ka sa aking hacker ka! Pero ang weird na hack ang acc ko pero nabubuksan ko pa din? Kanina kasi nagbukas ako nang Fb ko eh kung totoo ba ang sinabi nang tatlong ugok at totoo nga hindi ko pa natukoy kung sino ang suspect hirap alamin eh nagpatulong ako kay Tash pero ayaw niya mas mahalaga daw ang Assignment niya kesa sa akin langya nang babaeng iyon basta Grade ang pag uusapan walang paki sa mundo

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo tinignan ko ang wrist watch ko nasa 8:05 palang kaya marami pa akong time sana nga lang hindi na ulit mag uutos ang ugok na Nich na yun dahil gusto kong gumala sa buong Campus na ito hindi pa kasi ako nakapalibot dito eh How i wish na sana makakita ako nang secret place ko dito gaya sa dati kong School kung saan gusto mong mapag isa ikaw lang talaga mag isa sa lugar na iyon

At dahil hindi na nag text ang ugok na si Nich syempre nag pa-party na ang kaluluwa ko sa saya kaya nag libot libot na ako sa buong Campus ang saya! Habang naglalakad ay may mga unting mga students na nakatingin sa akin hayss may ginawa na naman ba ako? Wala naman ah tsk hinayaan ko nalang sila pumunta ako sa may Garden nang Agriculture ang TLE ang daming mga halamang gamot dito, may mga gulay at prutas ang pwede lang daw pumitas nang mga bunga nang mga Prutas ay ang mga Agri kaya tinitignan ko nalang pero nakakagutom kaya umalis nalang ako doon sunod naman sa may Gym malawak ang Gym ang kaso ang lamig ang aga pa kasi tapos wala akong jacket tapos naka aircon pa kaya umalis ulit ako pagkatapos nang Gym ay pumunta ako sa kabilang mansyon kung saan nag aaral ang mga 1st Year at 2nd Year students pero parang nakakatakot kasi walang mga students dito hindi ko alam kung bakit pero alas otso na ah? Bakit wala sila?

" Nabalitaan mo ba? Ang Ex Girlfriend ni Sky bumalik dito sa School?" rinig kong tanong nang isang nerd pero maganda ang weird noh? Nerd tapos maganda? Basta kayo na bahala habang naglalakad siya paalis sa may Mansyon kasama ang isa niyang kaibigan actually nasa 1st floor ako at sa may Corridor nakikinig sa mga usapan nila napaka tsismosa ko noh? HAHA

" Oo nabalitaan ko iyon , siya nga ang pinagkukumpulan nang mga ibang estudyante rito eh" sagot nama nang isa maganda siya kaso pandak mas matangkad ako HAHA at tuluyan nang naka alis sila kaya napa isip ako bakit kaya hindi narin ako makipag tsismisan sa kanila noh?

Tumakbo ako para mahanap ang ex girlfriend ni Sky sa paghahanap ko ay nakita ang mga nagkukumpulang mga babae kaya sumingit ako para makapunta sa harapan nakita kong nakayakap ang babae kay Sky pero siya napaka seryoso na parang wala lang naka harap siya sa akin pero hindi niya ako nakita dahil blanko ang isip niya eh

" Sky I miss you so Much" naiiyak na sabi nang babae jusme ate lumayas ka nalang Past ka na wala ka nang value sa buhay nang lalaking kayakap mo, para sa kanya wala ka nang kwenta! Ay ang harsh na ba? Sorry naman hehe bitter lang

Tinignan ko si Sky napaka blanko talaga nang itsura niya hanggang sa nakita niya ako kaya inalis niya ang babae sa pagkakayap niya at tumingin sa akin nang diretso ewan ko lang pero kinakabahan ako sa aura niya nakakatakot eh kanina blanko ngayon naman ay seryoso ano ba talaga!?

Unti unti siyang lumapit sa akin habang ako naman hindi ko alam ang gagawin ko kaya napakagat nalang ako sa aking ibabang labi nagtaka naman ang babae kung saan pupunta si Sky nang mapagtanto niyang papunta ito sa akin ay nagsalubong ang kilay nito kaya naman ang mga ibang students dito ay nagbulong bulongan na naman

Nang nasa harap ko na si Sky ay nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla niya akong hinalikan sa labi hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun sasampalin ko na sana siya pero agad niyang pinigilan ang dalawa kong kamay kaya hindi ko na siya nasampal at tuluyan na siyang umalis sa pagkakahalik sa akin at ngumiti

Nagulat ang mga ibang estudyante yung iba napanganga nalang sa nakita yung iba umiiyak na para bang nasasaktan lalo na ang babae na yumakap sa kanya kanina ay mas lalong umiyak at mas lalong binigyan niya ako nang masamang titig pero ako? Hindi ko alam kung ano ang expression ko

" All of the Students here Listen to me" tawag ni Sky sa mga estudyante kaya lahat sila ay agad napalingon sa kanya sabay naman nun ang paghawak niya sa kamay ko at nagsalita

" From now on , She's My 'Girlfriend'" gulat kong sabi ni Sky sa mga estudyante kaya ang biglang nahimatay ang babaeng yumakap kay Sky mag rereact pa sana ako kaso hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ako makakapag salita ano ba talaga ang gusto nang lalaking ito?? Bakit ba niya ako nilagay sa kalagayang ganito?? Peste! At ank raw? She's my Girlfriend? What the F*ck nagbibiro lang yan Cin

" Pwede ba! huwag mo akong lokohin! Ang galing nang joke mo!" mahina kong sigaw sa kanya kaya napalingon ito whews buti nalang at nakakapag salita na ako at makapag react

" I'm not joking"

My Bossy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon