Chapter 17: Motorcycle .·'¯'(>▂<)'¯'·.

1K 36 5
                                    

* Cin's Pov *

Napanganga nalang ako sa narinig nang lalaking may hawak na microphone nakakagulat as in ako!? Ako!? Isang Queen of Gangsters!? Paano!? Tsaka isa pa Hindi ako pinalaki nang mga magulang ko bilang gangster! Mas gusto ko pa ngang mamuhay nang normal eh kaso Yung Sky lang talaga ang pahamak!

"Hindi ako ang Queen of Gangster!" Sigaw ko at sabay umalis sa Ring hinila ko si Tash palabas sa Gymansium na ito grabe mga sira ulo lang ang pumapasok Dito

"Teka Cin Yung mga babae? Este ibang babae?" Tanong ni Tash napahinto ako sa kakahila sa kanya Oo nga pala hayst

"Teka Ms. Cin, kailangan mo munang ma koronahan" seriously? May pa ganon pa sila? Sino ba nag pasimuno dito!?

"Kakasabi ko lang Hindi ako ang Queen achuchu niyo si Scarlet! Si Scarlet narinig mo yun!? Si Scarlet ang Queen of Gangster niyo!" Sigaw ko sa mukha niya kaya napatahimik siya

"Okay, si Scarlet na" saad niya at parang kidlat na umalis sa harapan ko grabe nakaka stress, stress lang lagi ang binibigay ni Sky sakin

"Tara Tash puntahan na natin ang mga babae" mahinahon kong sabi maging siya ay napatulala

"Uy" tawag ko kaya ayun iniling iling niya ang kanyang ulo

"Oo nga hehe" saad niya at nauna nang maglakad anyare dun?

Narating na namin ang kwarto Kung saan maraming babaeng nagtitipon Pero ganon nalang ang gulat namin nang wala nang mga tao dito

"Anyare?" Tanong ko

"Ewan" Sagot ni Tash hayst napayuko nalang ako habang nakahawak sa pader grabe stress na stress talaga ako as in parang kumukulo ang dugo hanggang ngayon Ewan Basta gusto ko munang magpalamig

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Tash sa akin nang makita niya akong naglalakad

"Uuwi na ako" mahina kong sabi sa kanya

"Pero Hindi natin Alam kung saan ang lugar na ito"napahinto ako sa sinabi niya Oo nga pala hayst magpahatid nalang ako kay Sky tutal kasalanan naman niya toh eh

"Magpahatid nalang tayo sa mga ugok"saad ko at naglakad sa ibang direksyon nakita ko naman si Dilann kasama ang mga ka grupo niya kasama na doon sila ni Nich

"Saan BA kayo nagpunta?" Tanong sakin ni Dilann

"Hatid mo kami ni Tash" nanlilisik kong matang sabi sa kanya habang nakapamewang

"Yan nga Sana gawin namin kaso bigla kang nawala" Sagot niya -____-

"O siya hatid mo na kami stress na ako, Sa inyo" sabi ko at nauna nang maglakad papunta sa labas sumunod naman sila sa akin mukhang nag uusap sila Ewan feeling ko pinag uusapan nila Kung sino hahatid sa akin tch

"Oy ako na daw maghahatid sayo" nakangiting sabi ni Dilann inerapan ko siya

"Bilisan mo, Baka mamaya mag super saiyan ako dito" Sabi ko at umupo sa motorsiklo niya at ngumisi

"T-teka ako mag d-drive" pautal utal niyang sabi

"Tash sinong maghahatid sayo?" Tanong ko sa kanya

"Ahmm si Kenneth" Sabi niya sabay turo Kay Kenneth na naka sakay na sa motorsiklo niya

"Geh ingat ka ha?" Nakangiti kong paalala sa kanya

"Tara na Di" Sabi ko ngumunot ang noo ni Dilann

"Anong Di? Dilann" pagtatama niya habang umuupo sa likuran ko inerapan ko siya Alam ko naman yun

"Mag ready ka na ha?" Nakangising sambit ko

Alam niyo bang First Time kong mag drive nang motorsiklo Kaya gusto ko masubukan pangbawi ko toh sa ginawa ni Dilann sa akin hmmm noong iniwan niya lang ako habang may paika ika akong maglakad si Sky? Mamaya na siya

My Bossy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon